Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Willie Revillame Andrea Torres
Kris Aquino Willie Revillame Andrea Torres

Kris ibinuking pagtakbo ni Willie sa Senado (punasan ng pawis viral)

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SORRY, I’m just being naughty, sinabi ko naman kasing ‘wag akong seryosohin- pero obvious naman na kinilig… but in all sincerity, straight from my heart THANK YOU Willie- for your generosity and for really taking care of me (rehearsals pa lang kagabi- ilaw, music, camera angles, audio, and pati graphics talagang tinutukan n’ya)- like I said you have my lifelong gratitude and support because when you didn’t have to, naging napakabuti mo sa ‘min nila Kuya Josh & Bimb. For the 3 of us #ikawnanga.”

Ito ang mahabang post ni Kris Aquino dahil viral ngayon sa social media ang video na pinunasan niya ng pawis ang Wowowin host na si Willie Revillame habang ginaganap ang Shopee Mega flash sale live sa Clark, Pampanga nitong Linggo, Agosto 8 na umere sa GMA 7

Guest co-host ni Willie si Kris sa Shopee event dahil isa rin ang huli sa biggest endorser ng nasabing online shopping app.

Nakaaaliw nga ang eksenang umiiwas si Willie habang pinupunasan siya ni Kris at maging ang back-up dancers ay panay din ang sabi ng ‘uyyy’ sa dalawa.

Base sa takbo ng usapan ng dalawa, sinabi ni Tetay, ”Saglit lang bakit walang nag-aalaga sa ‘yo. Pawis na pawis na si Willie. Hindi niyo siya pinupunasan. Nababaliw ako sa iyo. Dapat inaalagaan ka, pinapabayaan ka!”

Natatawa naman si Willie sabay sabing, ”Hindi po kami AlDub. Lolo na ako. Magiging lola ka na rin.”

“Of course not! Matagal pa ‘yun!” mabilis namang sagot ng mama nina Josh at Bimby.

Panay pa rin ang punas ni Kris at umiiwas si Willie, “Tumigil ka na nga! Nakakahiya ‘yung ginagawa mo!”

Sagot ng co-host niya, ”pinupunasan ka lang. ‘Wag mong lagyan ng meaning.”

Balik-tanong ni Willie, ”bakit kailangan mo akong punasan?”

Sagot naman sa kanya, ”At least, inaalagaan ka! Ayaw mo ba ‘yun?”

Diin ng Wowowin host, “hindi ako sanay ng inaalagaan ako. Inaalagaan ko sarili ko.”

“Okay, bahala ka! Your loss!” sambit ni Tetay.

Samantala, muntik namang maibuga ng kakilala namin dahil tila inunahan na ni Kris na ianunsiyo ang planong kandidatura ni Willie sa 2022.

“Way before Shopee came into our lives, way before anything else happened, he really wanted to give me a chance to get a comeback.

“So kung ano man ang magiging landas na tatahakin ni Willie, kung saan man siya pupunta, he can count on me to be there for him kung saan man ‘yun. He has my love, my support. Hindi ko alam kung pwedeng sabihin boto, pero sa kanya ako,” say ni Kris.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring anunsiyo si Willie kung tuloy o hindi siya bilang isa sa senatorial candidate sa 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …