ni ROSE NOVENARIO
UMABOT na sa labing-isang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang nasawi dahil sa CoVid-19.
Nabatid ito sa update na ibinahagi ni PCOO Assistant Secretary JV Arcena sa media kahpon.
Batay sa datos ng PCOO, naitala na 535 opisyal at kawani ng PCOO ang dinapuan ng Covid-19, kasama rito si Secretary Martin Andanar, mula ideklara ang pandemya sa bansa noong Marso 2020.
Sa 535, inulat ni Arcena na 18 ang active cases, 11 ang nasawi at 506 ang gumaling.
Ang People’s Television Network (PTV-4) ang may nanguna sa may pinakamaraming CoVid-19 cases na may kabuuang 137, ang PCOO Proper na may 97, ang National Printing Office (NPO) na may 70,ang APO Production Unit na may 60, Radio Television Malacanang (RTVM) na may 47, ang Bureau of Broadcast Service (BBS) na may 38, ang News and Information Bureau (NIB) na may 34, ang Philippine Information Agency (PIA) na may 26, ang IBC-13 na may 17, at Bureau of Communication Service (BCS) na may pito.
Hindi kasama sa report ang bilang ng mga empleyado na nabakunahan ng CoVid-19 at ano ang tulong ng PCOO sa mga kawani na tinamaan ng virus.