MA at PA
ni Rommel Placente
AMINADO si Juancho Trivino na isa siya sa naapektuhan sa unang bugso ng Covid-19 pandemic dahil nawalan siya ng work. Tinanggal siya sa Unang Hirit dahil sa pandemya, at walang ibinibigay na serye sa kanya ang Kapuso Network dahil bawal pa noon ang mga taping para maiwasan ang mass gatherings.
Pero dahil kailangan ng pagkakakitaan, naghanap ng ibang work si Juancho.
Sa kanyang Instagram post noong Linggo, August 1, sinabi niya na nag-apply siya bilang project manager sa isang BPO (business process outsourcing) company at sinuwerte naman na natanggap siya.
Sabi niya sa kanyang post, ”A lot of you might not know, but last year during the height of the pandemic, when we had no work (tapings, digital stuff and businesses) I got a job in a BPO company. I actually did send out my resume to a couple of companies that was hiring during that time. It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did.
“They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nagtagal (but that’s another story).”
O ‘di ba, at least may pinagkakitaan pa rin ulit si Juancho kahit sandali lang siya sa kanyang naging trabaho.