MA at PA
ni Rommel Placente
SA recent post ni Alden Richards sa kanyang Instagram account ay topless siya kaya kita ang kanyang abs.
Ayon kay Alden, sari-saring wild reactions ang natanggap niya mula sa mga netizen dahil sa post niyang ‘yun. May ilan nga raw sa mga ito na gustong magpaanak sa kanya. Kaya namumula nga siya sa mga komentong iyon. Pero okey lang naman ‘yun sa binata.
“Okey naman. Free opinion naman, so okey lang po sa akin. And I appreciate that. Kumbaga, it shows na okey naman po ‘yung result (ng pagwo-work-out niya),” sabi ni Alden sa interview sa kanya sa Pep.ph.
Ano ba ang tips na maibibigay niya sa mga gustong maging physically fit din gaya niya?
“Actually, sa totoo lang po talaga, hindi po madali na magpaganda ng katawan. It’s really a discipline. Discipline in what you eat, ‘yung life style. Kailangan po kasing baguhin ‘yung usual routine kagaya nitong pandemic, siyempre walang work, bahay ka lang. Wala ka ring kailangang paghandaan.
“So, medyo nag-lead back ako. But eventually noong nararamdaman ko na, nagri-refer na ‘yung trabaho, parang kailangan ko na siyang (magandang pangagatawan) ibalik.
“So and advice ko lang po talaga, you gonna start somewhere. You gonna do step 1. Kasi ‘yung step 1 pong ‘yun hangga’t hindi mo siya nagagawa, hindi mo mararamdaman kasi. It’s a matter of feeling, motivation. Para kanino mo ba gagawin ito?
“But more importantly, you do it for yourself. Do yourself a favor. Be fit. Kailangan, katawan ang puhunan Kasi ‘pag ‘yung katawan mo ‘yung nag-break down, damay na lahat. Kapag hindi mo iningatan ‘yun, walang mangyayari sa buhay mo.
“So siyempre, it requires yourself, your presence. And kailangan talaga nating alagaan ‘yung sarili natin. Siyempre physically, mentally, emotionally, lahat-lahat kasama po ‘yun.”