Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kokoy de Santos Elijah Canlas Gameboys The Movie
Kokoy de Santos Elijah Canlas Gameboys The Movie

Gameboys: The Movie ipalalabas sa mga sinehan sa Japan

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG lakas ng dating talaga ng tambalang Kokoy de Santos at Elijah Canlas dahil hiyawan to the max ang mga nakasabay naming nanood ng special screening ng Gameboys:  The Movie kamakailan.

Nagsimula ang Gameboys series sa YT sa panahon ng pandemya at ito ang naisip ng producer/director na sina Perci M. Intalan at Jun Robles Lana ng IdeaFirst Company na gumawa ng online series para may ibang pagkaabalahan ang mga nababagot na at hindi makalabas ng bahay dahil sa lockdown.

Hindi naman inaasahan ng IdeaFirst Company producers na tatangkilikin ito at umabot na sa milyones ang views kaya humirit ng Season 2 ang instant fans ng Gameboys na pinabigyan naman nina direk Perci at direk Jun pero gumawa rin sila ng ‘the movie’ at sakto, sold out ulit ang 1st screening nitong Hulyo 30.

At mapapanood ang Gameboys sa ibang bansa at hindi naman nabigo ang IdeaFirst Company at Octobertrain Films dahil nakakuha sila ng co-producer, ang Japan-based companies na 108JAPAN Co., Ltd.; Aeon Entertainment Co., Ltd.; at Hakuhodo DY music & pictures Inc at ipalalabas ang Gameboys: The Movie sa mga sinehan sa Japan.

Sabi ni PMI (tawag kay direk Perci), ”Baka end of the year pa ang theatrical distribution ng ‘Gameboys: The Movie sa Japan.’ Matagal ang preparation nila sa releases nila, eh.”

Sa digital series ng Gameboys, kinikilig ang mga nakapanood sa mga pa-cute at lambingan nina Cairo (Elijah) at Gavreel (Kokoy) na kunwari hahalikan nila ang isa’t isa at marami ang nabitin dito.

Kaya naman sa ‘the movie’ ay itinodo na ni Direk Ivan Andrew Payawal ang gusto ng manonood, may kissing scene sina Kokoy at Elijah as in lips to lips as in maraming-maraming beses.

Wala namang violent reaction o mapapa’eww’ sa kissing scene ng dalawa dahil ang cute at sobrang ganda ng pagkakagawa, walang nabastos sa dalawa kaya nga tinanong kaagad sina Kokoy at Elijah sa virtual mediacon pagkatapos ng screening kung posibleng maramdaman na nila iyon sa totoong buhay.

Natawa ang dalawang aktor at expected nilang itatanong iyon. ”Sobrang comfortable po kami talaga sa isa’t isa kaya ganoon ang resulta, walang awkwardness at trabaho lang po talaga,” sabi ni Elijah.

Maging si Kokoy ay ganito rin ang sagot pero mas pilyo ang binata dahil tinutukso pa rin niyang, ‘baby ko po talaga siya (Elijah). Kahit po nasaan kami baby ang tawagan namin kahit off cam.”

Hindi ba nahirapang i-execute ng dalawa ang kissing scene at love scene?  Yes pinakitang gumamit pa sila ng condom with matching facial expression na pati viewers ay napa­nganga.

Sabi kaagad ni Elijan kay Kokoy, ” Baby?”

“Ako pa ang tina­nong mo? Iyong mga ganyang eksena, game na game ako riyan! Gusto ko iyan!” tumawang sagot ng aktor.

Ayon kay Elijah, ”Ako rin po, game na game! Every time na nagka-cut, nakahubad na lang kami roon ni Kokoy, nakaupo lang kami. ‘Game na ba? Game na ba? Ready na ba ang next set-up?’”

At si Kokoy, ”Siyempre, si Direk Ivan iyan, kumbaga, kaya siguro ganoon kami kakomportable, bukod pa sa si Elijah ang kaeksena ko.”

Pasok din sa movie sina Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto.Mapapanood ang Gameboys:  The Movie sa KTX at Ticket2Me.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …