Thursday , June 4 2026
Kyle Velino
Kyle Velino

Kyle Velino malaki ang pasasalamat sa Gameboys

ISANG malaking blessing para kay Kyle Velino ang magkaroon ng kabi-kabilang proyekto sa kabila ng pandemya.

Matapos ang Killer Bride sa ABS-CBN at Paano ang Pangako sa TV5, nagpapasalamat ang aktor para ipagkatiwala sa kanya ang role sa series at pelikulang Gameboys na nakakuha ng ng most number of tickets soldsa KTX.ph nang ipalabas ito sa unang Linggo.

Ginampanan ni Kyle ang karakter ni Terrence Carreon, ang ex-boyfriend ng main lead na si Gavreel Alarcon (Kokoy de Santos). Si Terrence ang third wheel at ka-love-triangle sa Gavreel at Cairo (Elijah Canlas) team-up.

Ayon kay Kyle, mahirap ang virtual shoot na talagang sumubok ng kanyang kakayahan bilang aktor. “Ang hirap bumuo ng chemistry kapag hindi mo nakikita ‘yung kaeksena mo pero naging maayos naman ang transition noong ginawa namin ang movie,” anang aktor. 

Nagbunga ang pagod at hirap ng binata at hindi akalain ni Kyle na magiging maganda ang resulta ng kanyang pinagpaguran at naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga supporter ng BL series.

“Sobrang thankful ako dahil naging maganda ang outcome ng ‘Gameboys’ at minahal naman nila ang character ko as Terrence. Salamat sa lahat ng sumuporta,” sambit pa ni Kyle.

Slowly but surely, natutuwa siya sa takbo ng kanyang karera at mas gusto niya pang makagawa na maraming proyekto, sa pelikula at telebisyon, para mas lalo pa niyang maipakita ang versatility bilang aktor. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …