Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna John Estrada John En Ellen
Ellen Adarna John Estrada John En Ellen

Ellen sakit ng ulo, tsinugi na sa John en Ellen

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAWAWALA na pala si Ellen Adarna sa John En Ellen kasama si John Estrada na siyang producer ng show na umeere sa TV5.

Ito ang nalaman namin sa taga-TV5 na nanghinayang din dahil maganda pa naman daw ‘yung tandem nina John at Ellen.

“EH, kung sakit naman sa ulo at hindi na healthy ang working relationship between her and the prod, ano na?” ito ang katwiran sa amin.

Sa kasalukuyan, ilang linggo ng stop taping ang show dahil babaguhin ang kuwento nito sa pag-alis ni Ellen na inakala namin ay siya lang ang papalitan na palalabasing nagpabago ng mukha dahil naaksidente, pero hindi pala, bagong istorya na raw.

Naka-lock-in taping ang John En Ellen pero ang huli ay hindi nakiki-cooperate at kapag wala sa mood mag-taping ay hindi siya mapipilit kahit na anong pakiusap dahil nga limitado ang oras.

Ang isa pang hindi nagustuhan ng production ay umalis siya sa taping kasama ang fiance niyang si Derek Ramsay na kahit na anong pakiusap ay hindi nagpapigil ang aktres.

Maging si Derek ay kinausap na rin na sana pakiusapang mag-stay at tapusin ni Ellen ang eksena pero hindi rin umubra. Sa madaling salita, pack-up ang taping at alam ng aktres na malaki ang gastos nila, pero waley siya care.

Sabi namin sa taga-TV5 na baka nag-aasikaso sa kasal nila kaya kailangang umalis ni Ellen, pero ang sagot sa amin, ”matter of life and death lang puwedeng ipa-pack up ang shooting.”

“Pasaway siya talaga, sakit siya ng ulo sa buong prod, galit sa kanya actually,” say pa ng aming kausap.

Alam naman daw ni Ellen na mawawala na siya sa John En Ellen at tila hindi naman siya apektado.

Kung kailan magla-lock down at nangangailangan ng trabaho ang mga taga-prod at saka naman itinigil.

“Buti siya, mayaman siya kahit hindi siya mag-work mabubuhay siya, may pera siya, paano ang mga taong per day ang bayad?” katwiran sa amin.

Teka, magkaibigan sina John at Derek, nakapag-usap na kaya sila tungkol dito?

Anyway, bukas ang HATAW para sa panig ni Ellen o ni John.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …