Sunday , November 3 2024
Jaime Morente Bureau of Immigration
Jaime Morente Bureau of Immigration

BI chief Jaime Morente umaasang maipapasa na ang BI Modernization Act

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NAGPASALAMAT si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga miyembro ng kamara sa pagbibigay prayoridad na isama sa ikatlo at panghuling regular na sesyon ang panukala tungkol sa bagong batas ng ahensiya o ang Bureau of Immigration Modernization Act.

Sa kanyang binitawang statement kamakailan lang, sinabi ni Morente, nagpapasalamat siya sa lahat ng miyembro ng kongreso partikular kay House Speaker Lord Allan Velasco, unang nagpahayag na isa ang kagawaran sa limang ahensiya na binigyang pansin ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Bukod sa BI, kasama rin sa mga nabanggit ang Creating the Philippine Virology Institute Act, The Center for Disease Control Act, Amendments to the Continuing Professional Development Act of 2016, at ang National Housing Development Act.

 “The law is very timely as it will modernize border control,” saad ni Morente.

“The prevailing law is a very old law, which was created in the 1940s. Many of the provisions do not apply in the current times. The new law will reorganize the structure of the BI, specify responsibilities, define visa categories, put in safeguards for checks and balances, and improve the salaries of our men,” dagdag niya.

Ang bagong batas, ang nakikitang solusyon ni Morente sa noon pa’y problema ng ahensiya na magbibigay ng karapatan sa komisyoner na dumisiplina sa mga tiwaling empleyado ng ahensiya.

 “Quick and swift disciplinary action is needed to deter wrongdoings amongst our ranks,” sambit ng kasalukuyang pinuno ng BI.

Well, mula pa noong itinatag ang kasalukuyang immigration law ay ito na ang madalas sambitin ng mga nagiging komisyoner ng ahensiya, ang kakulangan ng ‘disciplinary power’ laban sa mga pasaway na empleyado ng Bureau.

Sa ngayon kasi ay pawang “recommendation for filing of appropriate sanction” lang sa Department of Justice (DOJ) ang tanging nagagawa ng BI Board of Discipline (BOD) matapos nilang dinggin at imbestigahan ang isang kaso ng sumabit na empleyado.

May mga pagkakataon pa nga na hindi na ito natatalakay pa o ‘di kaya ay hindi na nabibigyang aksiyon lalo at kung malakas sa kanila ang nagkamali.

 “Tama ba (Ma)Mang RPL?”

Kung sakali man na talagang nasa priority list na ng mga mambabatas ang amyenda sa kasalukuyang immigration law, ang tanong ng marami, “Kasama rin kaya ito sa prayoridad ng mga senador bago pa ang eleksiyon sa 2022?”

 Aba naman, pinangakuan na nga kayo gusto n’yo pang tuparin?!

He! He! He!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *