Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hataw Frontpage PH ‘Weightlifting Fairy’ Hidilyn Diaz bayaning sasalubungin ngayon (P40 5-M pabuya naghihintay
Hataw Frontpage PH ‘Weightlifting Fairy’ Hidilyn Diaz bayaning sasalubungin ngayon (P40 5-M pabuya naghihintay

PH ‘Weightlifting Fairy’ Hidilyn Diaz bayaning sasalubungin ngayon (P40.5-M pabuya naghihintay)

ni KARLA OROZCO

SALUBONG sa isang bayani ang bubulaga kay Filipino ‘weightlifting fairy’ Hidilyn Diaz, sa makasaysayang pagkakamit ng gintong medalya sa women’s 55kg weightlifting sa Tokyo Olympics, sa kanyang pagdating sa bansa ngayong Miyerkoles, 28 Hulyo.

Natamo ni Diaz ang kauna-unahang ginto ng Filipinas sa Olympics matapos talunin ang katunggaling Chinese na si Liao Qiuyun, at makapagtala ng dalawang record.

Ngunit sa ilalim ng ipinaiiral na protocols, matapos ang seremonya, kailangang umalis sa Tokyo ang mga atleta, mga coach, at mga opisyal sa loob ng 48 oras matapos ang pagkompleto sa kanilang mga event at mga gawain.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) Pres. Abraham “Bambol” Tolentino, ito ay mandatory at bibiyahe pauwi ang “Filipino golden girl” sakay ng Philippine Airlines flight.

Hidilyn Diaz 2020 Tokyo Olympics
Hidilyn Diaz 2020 Tokyo Olympics

Mahigit isa at kalahating taon, muli nang makakasama ni Hidilyn ang kanyang pamilya sa lungsod ng Zamboanga.

Napalayo si Diaz sa kaniyang pamilya nang halos dalawang taon dahil sa kanyang pagsasanay sa Malaysia, na napilitan siyang manatili nang mas mahabang panahon dahil sa pandemya.

Naghihintay sa pag-uwi ng weightlifting champ ang garantisadong P40,000,000 cash (batay sa huling bilang) at iba pang non-cash incentives.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

• P10-M alinsunod sa Republic Act No. 10699, o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, na nilagdaan noong 2015 ni dating Pangulong Benigno S. Aquino, III;

• P10-M mula sa business tycoon na si Manuel V. Pangilinan, sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation;

            • P10-M mula kay San Miguel Corp. head Ramon S. Ang;

• P5-M mula kay Dennis Uy ng Phoenix Petroleum, sa pamamagitan ng Siklab Atleta Foundation;

• P3-M mula kay Deputy House Speaker Rep. Mikee Romero, isang kilalang atleta at may-ari ng NorthPort; at

            • P2.5-M mula sa LGU ng lungsod ng Zamboanga, na pinagmulan ni Hidilyn.

Gagawaran din ang 30-anyos atleta ng Olympic Gold Medal of Valor ng Philippine Sports Commission (PSC), habang makatatangap ang Team HD (Hidilyn Diaz) ng P5-M pabuya sa mandato ng batas.

Ito ay paghahatian nina Chinese coach Gao Kaiwen, strength and conditioning coach Julius Naranjo, sports psychologist Karen Trinidad, RPm, RPh, PhD., at nutritionist Jeaneth Aro.

Bukod sa cash, makatatanggap din si Diaz ng:

• Bahay at lupa mula sa lungsod ng Tagaytay, Cavite, at Foton Automobile, mula sa Tagaytay LGU,

• Condo unit na nagkakahalaga ng P14-M sa Eastwood City, Libis, Quezon City, mula sa Megaworld;

            • Condo unit na nagkakahalaga ng P4-M sa kahit saang PHirst Park Homes communities sa Luzon, mula sa Century Properties at Mitsubishi Corp;

• Habambuhay na libreng flight mula sa AirAsia,

• Libreng 80,000 ‘miles’ kada taon mula sa Philippine Airlines; at

• Habambuhay na libreng petrolyo mula sa Phoenix Petroleum. ###

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …