Sunday , December 5 2021
Willie Revillame Hidilyn Diaz 
Willie Revillame Hidilyn Diaz 

Willie bibigyan ng tribute si Hidilyn

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SOBRANG mahal na mahal ngayon ng buong Pilipinas si Hidilyn Diaz na unang nanalo ng gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics sa sinalihan niyang 55kg weightlifting competition (women’s division) dahil binabati siya sa pagbibigay niya ng karangalan sa bansa kahit na dumaranas tayo sa maraming pagsubok.

Kaliwa’t kanan ang mga pangakong premyong ibibigay kay Hidilyn mula sa ilang politiko at pribadong indibidwal, bukod pa sa P10-M na bigay ng gobyerno na ayon sa batas at karagdagang P3-M mula naman kay Presidente Rodrigo Duterte at furnished house and lot sa mismong bayan nito sa Zamboanga City.

Samantala, nagpahayag din ng pagbati ang Tutok sa Win sa Wowowin host na si Willie Revillame sa ating kampeon bilang unang Pinoy Olympic gold medalist.

Ayon kay Willie sa nakaraang episode niya, ”Magbibigay tayo ng parangal o tribute natin siyempre sa first gold medalist sa ating Olympics na ginagawa ngayon sa Tokyo.

“Ito kasi, baka hindi n’yo alam ang nangyayari ‘yung iba mga busy, nag-iisip kung ano kakainin, magbigay tayo ng parangal at magbigay tayo ng saludo sa isa po talagang naghirap, ibig sabihin sa ibinigay niyang dedikasyon para makuha at ma-achieve  ang ginto sa Olympics.”

Ipinakita ang video ni Hidilyn at pinalakpakan ito ni Willie at pinasalamatan dahil sa kabila ng paghihirap ng Pilipinas para labanan ang COVID 19 pandemic ay heto at ibinangon tayo ng ating first gold medalist sa Olympics 2020.

“Nakakatayo ng balahibo, nakaka-proud na isang kababayan natin na may pinagdaraanan din ‘yan, ‘di ba? Alam ko nag-Facebook pa siya there was a time na kailangan-kailangan niya ng suporta, kailangan niya ng tulong, ayan!

“’Di ba ganoon talaga kapag may paghihirap ka sa buhay, pagkatapos ng paghihirap ‘yung ngiti mo, ngiti ng tagumpay.”

Sa kasalukuyan, naka-quarantine si Hidilyn sa loob ng pitong araw sa isang hotel sa Pasay City.

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Leave a Reply