FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
NAMAALAM na ang impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee sa edad 45 dahil sa sakit na liver cirrhosis sa Chinese General Hospital.
Marvin Martinez ang tunay na pangalan ni Ate Shawee at nakilala siya dahil sa panggagaya niya sa Megastar na natuwa naman sa kanya.
Base sa post ng aktor na si JC Alcantara sa kanyang FB page, ”Isa sa pinaka-mabait at sweet na nakilala ko sa showbiz si ate Shawee Martinez ang impersonator ni (Sharon Cuneta) malala na po ‘yung sakit nya.
“Kakatawag ko lang po sa kanya nakakarinig pa s’ya pero hindi na sya nakakapag salita ‘yung narinig n’ya boses ko bigla s’yang naiyak at marami s’yang gusto sabihin.
“Nakapag last pm din s’ya sakin ng Labyu sobrang bait n’ya at palagi kang patatawanin pag kasama mo s’ya at nakilala mo sya. Hindi namin ine-expect na biglaang ganito mangyayari sa kanya dahil nu’n last nakita namin sobra saya nya.
Mahal na mahal kanamin ate shawee, Paalam ate shawee.”
Ang talent manager at direktor na si Manny Valera ay may post din dahil isa si Ate Shawee sa performer sa kanyang comedy bar na Mr. Melody.
“PAALAM, ATE SHAWEE. The popular Sharon Cuneta impersonator whose real name is Marvin Martinez died at Chinese General Hospital from liver cirrhosis at age 45. Gone too soon.
“Ate Shawee was always a big hit each time she performs at Mr Melody. Her repertoire didn’t only focus on Sharon Cuneta songs but also excerpts from the musicals Miss Saigon, Dream Girls and many more. Kay galing, kay husay at kay bait!
“I was very happy for her many success in other shows here and abroad. Each time I get to talk to her, she remained humble and grateful. That is why she was truly blessed.
“So sad to lose a good friend in showbiz. We love you Ate Shawee, you will always be my favorite and will miss you forever!”
Mula sa HATAW, nakikiramay po kami sa mga naulila ni Ate Shawee.