Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kalingang VP Leni sa panahon ng takot at kaba

BULABUGIN
ni Jerry Yap

KUNG hindi pa man nahahalata ng sambayanan kung sino ang tunay na kumikilos para sa bansa ngayong panahon ng sakuna, walang pag-aatubili nating inihahayag na walang iba iyon, kundi si Vice President Leni Robredo.

Mahirap balewalain ang pag-ako ni VP Leni pag-ako ng responsibilidad na tumugon sa mga pangangailangan ng mga Filipino, sa ilalim ng pamumuno ng isang Tatay Digong, na ang concern ay manakot at ‘magparusa.’

Isang halimbawa rito, nang magbanta si Tatay Digong na ipakukulong ang mga ayaw magpabakuna, isang programa tulad ng Vaccine Express ang itinapat ni VP Leni.

Nakatuon ang programang ito sa iba’t ibang sektor na hindi pa nakatatanggap ng bakuna ngunit masipag at walang tigil na nagtatrabaho sa gitna ng pandemya – ang mga tricycle at pedicab drivers, gayondin ang delivery riders. Matapos magpabakuna, inaabutan pa sila ng tulong bilang pasasalamat.

Noong unang pagpapaturok, isang gas card ang natanggap nila, at nitong ikalawang turok, grocery gift pack na mayroong ilang kilo ng bigas at mga de-lata ang ipinamahagi ng OVP sa tulong ng mga pribadong institusyon.

Nakamamangha kung tutuusin at bihira ang mga nagpapamalas ng ganitong klaseng pagkilos sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno nitong nakaraang limang taon.

‘Yun bang tipong lahat ay nagkakaisa para sa iisang layunin.

Bukas ang tanggapan niyang tumulong sa iba’t ibang local government units (LGUs) basta matugunan ang mga pangangailangan ng bansa.

Kung tutuusin, hindi sila magkaalyado ni Mayor Isko at posible pang magkalaban sila sa 2022 kung magkatotoo man ang haka-haka na tatakbo ang dalawa sa darating na eleksiyon.

Pero wala siyang pakialam sa kulay o pagkakaiba ng partido. Lalong wala sa bokabularyo niya ang pamomolitika. Simpleng serbisyo lang at pagtugon sa mga hinaing ng mamamayan.

Kinailangan natin ang aruga ng isang Nanay Leni upang ipamalas kung gaano kalawak ang posibilidad ng mga nagdadamayang pamilyang Filipino.

Bukod pa rito, malinaw ang grupo ng mga taong nais tulungan, at klaro ang sistema sa bawat hanay ng pagsasagawa ng programa. Ipinaaalam sa lahat kung kanino nanggaling ang tulong, kanino ito pupunta, at paano ito ibibigay.

Hindi na kinakailangan magduda kung ano ang mga kaganapan, dahil ipinamamalas sa lahat at ang bawat tanong, mayroong sagot na maiintindihan. 

Paano kikilingan ang dahas kung kalinga ang kinakailangan sa panahon ng takot at kaba?

Malinaw na lunas ang pamamaraan ng pamumuno ni Nanay Leni sa bansa nating sadlak sa dusa. Solusyon ang inihahanda at hindi pananakot.

Ayuda at bakuna, hindi armas at pagbabanta.

HAPPY 107TH ANNIVERSARY INC

BINABATI natin ang kapatirang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagdiriwang bukas, 27 Hulyo 2021, ng ika-107 anibersaryo ng pagkakatatag, sa pamumuno ni Executive Minister Eduardo V. Manalo.

Hangad po natin ang pagpapatuloy ng misyon ng INC na walang sawang umaakay at tumutulong sa ating mga kababayan, kabilang man sa INC o hindi.

Mabuhay ang INC!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *