Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mariel Rodriguez Pres. Rodrigo Duterte Robin Padilla
Mariel Rodriguez Pres. Rodrigo Duterte Robin Padilla

Robin umatras sa pagkandidato sa CamSur

HATAWAN
ni Ed de Leon

TINANGGIHAN din ni Robin Padilla ang alok sa kanyang kumandidato rin sa Camarines Sur. Nauna riyan tinanggihan na rin niya ang sinasabing pagsasama sa kanya ni Presidente Digong sa kanilang
senatorial slate bago pa siya makausap niyon.

Mukhang hindi na makukumbinsi si Robin kahit na nangako ang presidente na ikakampanya niyang lahat ang kanilang mga kandidato at magdadala siya ng sako-sakong pera para sa kanilang kampanya.

Inamin din ni Robin na may balak pala silang buong pamilya na mag-migrate sa abroad, maaaring sa Europe para mapalaking may privacy ang mga anak nila ni Mariel. Kailangan lang na maipagbili niya ang kanyang bahay na napakalaki naman, at noon nga ay ginamit pa niyang
eskuwelahan para sa mga batang Muslim. Isa pa, nasubukan na rin naman ni Robin na kumandidato noon sa Nueva Ecija at nang matalo siya roon, parang nawalan na siya ng gana sa anumang government position.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …