Monday , December 23 2024
Alessandra de Rossi Piolo Pascual My Amanda

Alessandra ‘di na-enjoy ang pagdidirehe ng My Amanda

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUWIS-BUHAY. Ito ang pagkakalarawan ni Alessandra de Rossi sa directorial debut niya, ang My Amanda na number one pa rin sa Netflix Philippines at sa iba pang bansa sa Asia na pinagbibidahan nilang dalawa ni Piolo Pascual.

 
Sinabi ni Alessandra sa panayam ng ABS-CBN, wala ng mas challenging pa sa na-experience niyang pagdidirehe sa My Amanda.

“Pero gusto kong ulitin but after of course I see the results.

“Gusto kong uliting maging director na hindi ako actor kasi hindi ko talaga na-enjoy yung experience as a director. Kasi wala ka roon sa monitor tapos you feel the scene.

“Kasi ako wala eh, preview na lang pinanonood ko tapos walang nag-cut, ang pangit na pala. May mga kita na pala roon sa side, mali na ‘yung ano. Hindi ko nakita ‘yung screen.” 

Paliwanag pa ni Alessandra, “And since limited lang naman din ‘yung days namin, siyempre ‘pag-nagpi-preview ako nasa ulo ko na ‘yung next scene kung paano gagawin kasi may time limit din. Yung ganoon.

“So hindi ko talaga siya na-enjoy, ‘yung pag-direct. Nakuha ko lang ‘yung feeling noong post-production na.”

Aminado pa si Alessandra na naospital siya nang ginawa ang pelikula. “Physically, it’s draining. Naospital ako because I kept everything inside. Ayokong bumaba ‘yung energy sa set. So parang lahat ng stress ko nandito lang. So parang halo-halo ‘yung feelings. Pagkauwing-pagkauwi parang after two days sumakit na ‘yung back ko, sumakit na ‘yung tiyan ko. Ayun na, ospital na.

“Yung bank account ko hindi nag-recover kasi three times siya nangyari in two times na ‘yun ‘yung nararamdaman ko. At saka everything first time and I think I’m not really magagalitin din, eh. It takes a lot to really make me angry. 

“Pero at the same time kasi dahil baby mo siya eh. And you see naman that everyone is taking it seriously naman. But siyempre ‘yung weather conditions, ‘yung mga hindi maiiwasang pangyayari sa set.”

Ipinaliwanag din ni Alessandra kung bakit siya ang nagdirehe sa My Amanda. “I decided to direct it because no one wanted to touch it. Because they found it a little bit unbelievable.

“I have the closest friendships with men. I call them boys, not men and they treat me like a guy. I treat them like my older brothers. 

“It’s something that I wanted to share with Filipinos also that a guy and a girl can be friends and they can even take alcohol, get drunk, sleep beside each other. I don’t drink by the way but it had to be part of the film.

“Because I don’t want people to always be beside the opposite sex and think that there’s some sexual tension. 

“I want people to treasure friendships and appreciate them as they are and just stop having malice to everyone. That everyone’s there for sex or relationships,” sambit pa ng aktres.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *