Rated R
ni Rommel Gonzales
GANAP nang Kapuso ang Hashtag member na si Luke Conde matapos pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong nakaraang Miyerkoles, June 16.
Kuwento ni Luke, dalawa sa mga pangarap niyang makatrabaho sa GMA ay ang mga aktres na sina Rhian Ramos at Klea Pineda. ”Lagi kong sinasabi si Rhian Ramos pati si Klea Pineda. Sila kasi ‘yung nakikita ko na magaling sa acting and I think macha-challenge ako ‘pag sila ‘yung magiging kaeksena ko. Masarap sa pakiramdam na i’ll be able to give different kinds of energies while we are doing scenes dahil magaling na mga aktres sila.”
Kasalukuyang pinaghahandaan ni Luke ang magiging role sa upcoming mini-series na Never Say Goodbye na makakasama niya si Klea.