Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duda, hindi pera sagabal sa herd community — Imee

SAMANTALA, nanawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na maglatag ng mas klarong estratehiya para mapataas ang bilang ng mga mahihikayat na magpabakuna at mapabilis ang herd immunity laban sa CoVid-19, para tuloy-tuloy ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
 
“May pera tayong pambili ng mga bakuna. Pero nananatiling hamon ang pag-aalangan o pag-aatubiling magpabakuna ng mga mamamayan na maaaring mauwi sa pagkasayang mga bakuna at pondo ng gobyerno kaysa insidente ng mahinang cold storage. Kung walang herd immunity, pautay-utay din ang ating economic recovery,” ani Marcos.
 
“Para malutas ito, kinakailangang madetermina ng gobyerno kung saan dapat maglunsad ng puspusang information campaign na aakma sa lengguwahe, kakaibang kostumbre, at sistema ng paniniwala ng isang lokal na pamahalaan. Halimbawa, ang pagbibigay-diin na ang bakunang aakma o kailangan sa BARMM ay halal, o ang isang partikular na bakuna ay nasubukan na sa mga Muslim sa bansa,” paliwanag ni Marcos.
 
Ani Marcos, kailangang makapagpresinta ang IATF ng Plan B, kapag hindi natupad ang ipinangakong supply ng bakuna sa Filipinas sa taong ito.
 
Maraming pagkaantala ang hinarap ng IATF sa mga nakaiskedyul na pag-angkat ng mga bakuna mula sa mga global pharmaceutical firm at COVAX facility ng World Health Organization, dahil sa hoarding o sobra-sobrang pag-iimbak at hindi pagkakasundo sa pagdedeliber nito sa pagitan ng mga bansang gumagawa ng bakuna.
 
“Liwanag sa dilim,” ani Marocs, ang pangako ng pito sa pinakamayamang demokratikong bansa na magsu-supply ng nasa bilyong CoVid-vaccine doses sa mahihirap na bansa sa susunod na taon.
 
“Maraming Western countries ang humahabol sa vaccine diplomacy ng China,” ang sabi ni Marcos tungkol sa G7 na binubuo ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, the United States, and the United Kingdom.
 
“Ang pangako ng G7 sa 2022 ay nangangahulugan na ang bakunang ating binibili sa taong ito ay maaaring mai-produce at maideliber. Ngunit dapat i-follow up ng IATF ang mga nauna nang pangako para maremedyohan agad ang pagkaantala at hindi na tumagal pa ang timeline para mabakunahan ang 70 porsiyento ng populasyon,” ani Marcos.
 
Dagdag ni Marcos, na chairman din ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, ang pagtaas ng pagtanggap sa bakuna ay makatutulong sa pagpapabilis ng rehistrasyon ng mga botante.
 
“Para ang eleksiyon sa susunod na taon ay totoong magpapakita kung sino ang talagang nais nating mamuno habang patuloy ang pandemya, tungo sa pagrekober ng ating ekonomiya.” (NIÑO ACLAN)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …