Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim & Jerald movie kumita

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

KASALUKUYANG gumagawa ng record ang latest released film ni Direk DarrylAng Babaeng Walang Pakiramdam na nagsimula ang streaming sa ktx.ph, iWantTFC, at VivaMax noong June 11 pero ang kita ay maihahalintulad sa mga hit na pelikula sa mga sinehan bago magkapandemya.

Masayang-masaya sina Kim Molina at Jerald Napoles sa balitang ‘yon na natanggap mula sa Viva.

Reaksiyon nina Kim at Jerald sa tagumpay ng kanilang pelikula. ”Nakatataba po ng puso na sobrang marami pa rin ang sumusuporta sa pelikula namin kahit hindi pa bukas ang mga sinehan dahil sa pandemic.

“Masaya rin po kami ni Jerald na mas marami na ang nakaiintindi sa mensahe ng ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam,’ kahit binatikos ito noong una dahil sa trailer.”

Nakatikim ng mga batikos ang pelikula dahil ngongo ang karakter na ginampanan ni Jerald.

Pero nagbago ang pakiramdam niya sa nababasang positive reviews na nabigla dahil hindi nila inaasahang paiiyakin sila sa ending.

Isa si Dimples Romana sa nagkuwento kay Kim na umiyak siya nang panoorin ang pelikula.

Sabi ni Dimples, ”Just finished watching. 2,000,000 units of emotions for the train scene.”

Ang ibig sabihin ng “unit” sa acting ay ‘yung maliliit na emosyon na mabilis at subtle na naipakikita o naipararamdam ng isang aktor sa isang eksena. Papalit-palit ang mga emosyon na ‘yon na naipararamdam ng aktor sa pamamagitan ng boses o ng pagbigkas ng mga salita o sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng artista.

Patuloy ni Dimples, ”Found myself weeping with you and you brought me back to a time when I felt most alive. Overwhelmed with feelings and your eyes spoke of gratitude that you were feeling pain and joy and love all at the same time.

“I mean serious question, is there anything you and JE cannot do?”

Pahayag naman ng isang entertainment website reporter: ”Sa aming palagay, itong ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ ang pinakamaganda sa lahat ng mga pelikulang isinulat at ginawa ng direktor na si Darryl Yap.”

At dahil sa kontrobersiyal na character ni Jerald, ginagamit na ito sa mga TikTok video, lalo ang Pinoy Henyo scene nila ni Kim at popular search sa Facebook ang ”Jerald Napoles ngongo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …