TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go na siya at ang mga government agencies ay patuloy na tutulong sa panahon ng krisis, tulad ngayong panahon na nga ng pandemya dulot ng CoVid-19 ay nagkasunog pa kamakailan sa isang lugar sa Olongapo City na hinatiran ng ayuda ang mga pamilyang naapektohan.
“Kahit anomang problema ang inyong hinaharap — sunog, lindol, baha, pagputok ng bulkan o kahit anong klaseng krisis — handa kaming tumulong at magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Huwag kayo mawawalan ng pag-asa dahil hindi kayo pababayaan ng gobyerno na palaging nagmamalasakit sa inyo,” paniniyak ni Sen. Go.
Nitong Sabado, 5 Hunyo 2021, ang mga tauhan ni Sen. Go ay naghatid ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Brgy. New Kalalake, Olongapo City, Zambales.
“Kung may maitutulong pa kami, magsabi lang kayo. Huwag kayong mahiyang lumapit sa amin dahil trabaho namin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.
Namahagi ng mga pagkain, financial assistance, food packs, vitamins, masks at face shields sa 15 pamilya. Mahigpit na ipinairal ng mga tauhan ni Go ang health and safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19.
Bukod dito, ang grupo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namigay rin ng bukod na financial assistance. Ang Department of Trade and Industry at ang National Housing Authority ay nagsagawa ng assessments para sa kanilang mga assistance program.
Si Sen. Go, vice chair ng Senate committee on housing, ay pinagsisikapan na bawat pamilyang Filipino lalo ang biktima ng natural disasters at fire incidents ay magkamit ng disente at abot-kayang halaga ng pabahay. Kabilang ang Senate Bill No. 203 o ang National Housing Development, Production and Financing Act. Ang inihaing bill nito noong 2019 ay para sa housing production sa pamamagitan ng long-term at reliable government financing.
Noong naturang taon ay naghain din si Go ng SBN 1227 o ang Rental Subsidy Program Act na naglalayong mapagkalooban ng formal housing ang mga pamilyang naapektohan ng mga kalamidad.
“Gagawin ko ang parte ko sa Senado upang isulong ang lahat ng mga nais nating makamit sa pamamagitan ng pagpasa ng mga makabuluhan at epektibong mga batas na magpapaganda sa pamumuhay ng ating mga kababayan,” saad ni Go.
Si Go bilang chairman ng Senate committee on health ay nag-alok ng tulong para sa mga nangangailangan ng medical treatment na magsadya sa Malasakit Center ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital, Iba town upang makakuha ng medical assistance mula sa gobyerno.
Sa kasalukuyan ay may 117 Malasakit Centers sa buong bansa na mahigit 2 milyong mahihirap na pasyente ang nakapagbenepisyo mula nang inilunsad ang programa noong 2018, na noong taong iyon ay Special Assistant to the President ang posisyon.
Sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nasunugan ng bahay sa Olongapo City ay pinasalamatan din ni Go ang local government officials sa pagresponde sa insidente partikular ang binanggit ng mga opisyal na sina Governor Hermogenes Ebdane, Jr,; Mayor Rolen Paulino, Jr.,; Vice Mayor Aquilino Cortez; councilors Kaye Legaspi, Rodel Cerezo, Jerome Bacay, Lugie Lipumano, Jamiel Escalona at Cristabelle Paulino gayondin si Brgy. Chairman Randy Sionzon.
Si Go ay patuloy na nagkakaloob ng suporta sa mga komunidad sa kabila ng mga pagsubok ngayong pandemya lalo sa mga Zambaleño at bahagi nito ay naglaan ng pondo para maipagpatuloy ang rehabilitasyon ng Elicano St., Brgy. Bajac-Bajac.
Noong May 27, ang mga tauhan ni Go ay naglunsad ng relief operations sa mahigit 2,000 benepisaryo na binubuo ng indigent, persons with disabilities, senior citizens, solo parents, at workers sa mga barangay ng Sta. Rita, Pag-asa, at West Bajac- Bajac.
Check Also
Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS
MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …