Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gibo Teodoro, payag maging ka-tandem ni Sara sa 2022 elections

WALANG pag-aalinlangan na inihayag ni dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro na nakahanda siyang maging vice presidential bet kapag nagpasya si Davao City Mayor na maging presidential candidate sa 2022 elections.
 
“My impression of Mayor Sara talking about issues was that she will make a very good president of this country. She would have the ability to unite a lot of people, she has an independent mind, she has managerial skills running a very complex city like Davao,” aniya sa Headstart sa ANC at The Chiefs kahapon.
 
Sinabi ni Gibo, ang nararanasang CoVid-19 pandemic at ang paghikayat ng kanyang pamilya na bumalik siya sa public service ang nagtulak sa kanyang balikan ang politika matapos matalo noong 2010 presidential elections.
 
Para sa kanya, sa panahong ito kailangan ang pagkakaisa at ituon ang atensiyon sa paggapi sa CoVid-19.
 
Pareho umano sila ni Sara na hindi miyembro ng alinmang national political party at kursunada nilang maging independent candidates sakaling magpasya silang sumabak bilang tandem sa 2022.
 
Kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), naniniwala siya na isa itong national security issue na hindi dapat kaladkarin sa politika upang hindi maging malasado ang tindig ng bansa sa usapin.
 
Habang ang isyu ng press freedom ay iginagalang niya pero ang prankisa ng ABS-CBN ay dapat ipaubaya sa Kongreso.
 
Dapat aniyang may institutional response sa usapin ng human rights violations.
 
Ang critical task aniya sa kasalukuyan ay gawing ligtas ang mga mamamayan sa virus at ibukas ang ekonomiya.
 
Inaasahang sa susunod na buwan ay opisyal na ihahayag ang Sara-Gibo tandem. (ROSE NOVENARIO)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …