Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Andrea Brillantes Francine Diaz Kyle Echarri Click, Like, Share
Seth Fedelin Andrea Brillantes Francine Diaz Kyle Echarri Click, Like, Share

Seth aminadong ‘di ma-social media

KUNG si Andrea Brillantes ay nakapagpatayo ng Mediterranean inspire house dahil sa mga post niya sa social media accounts niya, kabaligtaran naman ang ka-loveteam nitong si Seth Fedelin dahil hindi ito mahilig.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa bago nilang digital anthology series Click, LikeShare ay naikuwento ng binatang taga-Cavite na hindi siya mahilig sa social media.

Aniya, ”Ako kasi ‘yung tao na talagang hindi ma-social media. Lalo na ‘pag nasa bahay ako, mas pinipili kong makipag-usap sa mga tao na nandoon sa bahay kaysa humawak sa cellphone. ‘Pag mga tipong importante lang halimbawa may kailangan ipasa, at saka ako nag-so-social media. ‘Yun lang, hindi talaga ako madalas mag-social media.”

Kaya rin siguro hindi nakalakihan ni Seth ang social media ay dahil wala rin naman siyang cellphone noon.

“Sa totoo lang hindi ako lumaki sa social media hanggang ngayon. Hindi ko siya nakaugalian kasi noong bata kami wala naman kaming cellphone, wala naman kaming computer, as in.

“Parang nagka-cellphone lang ako fourth year high school, grade 10. So talagang wala ako riyan. Hindi ko alam kung paano gumamit ng mga apps na ganyan.”

Pero aminadong dahil sa social media ay napapakain niya ang pamilya niya.

“Pinaka-best naman na nangyari nang dahil sa social media ay napakain ko ang pamilya ko. Hanggang ngayon napapakain ang pamilya ko at nakakabayad ako ng bills sa bahay namin dahil sa social media. Isa ‘yun sa pinaka-best na nangyari sa paggamit ko ng social media,” pagtatapat nito.

At kapag may mga isyu sa social media ay deadma lang din si Seth.

”Wala kasi ‘pag may nakikita ako online, binabasa ko lang siya. Hindi ako ‘yung tipo na nakikibaka. Hindi ako ‘yung gagatungan ko pa, dadagdagan ko, makikipag-away ako. Wala akong ganoon.

“Ang ginagawa ko lang isi-share ko lang siya. Pero iisipin ko ng maraming beses. Pero hindi ako magsasalita about doon sa content noong nakita ko tapos ‘pag may nangyari sa akin pagsisisihan ko. Hindi ako ganoon,” sambit pa.

Sumakto sa Click, Like, Share ang kuwento ng binata na gagampanan ang karakter na Kokoy kasama si Jimuel Pacquiao.

“Ako roon si Kokoy, ang storya niyon ‘yung sa napapanahon ngayon na pagbukas mo ng social media makikita mo ‘yung ganoon, ‘yung tipong hindi mo alam kung totoo ba ‘yung sinasabi niya. So parang titingnan nila kung sino ‘yung may kasalanan.”

Anyway, bukod kina Andrea at Seth, kasama rin sina Francine Diaz at Kyle Echarri with new Gold Squad members na sina Jimuel at Nio Tria.

Ang Click, Like, Share ay produced ng iWantTFC at ABS-CBN Entertainment in association with Dreamscape Entertainment na mapapanood na sa June 5 sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …