DAGDAG excitement at kilig ang special participation ng real-life Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa GMA primetime series na Heartful Cafe.
Inaabangan na ng viewers kung ano nga ba ang magiging papel nila sa buhay nina Heart (Julie Anne San Jose) at Ace (David Licauco).
Komento ng isang netizen, ”Ang saya siguro if si Jak and Barbie ‘yung magkatuluyan sa Heartful Cafe.”
Tumutok lang sa nakakikilig na kuwento ng Heartful Cafe, weeknights, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.
Rated R
ni Rommel Gonzales