UMAASA si dating Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng snowball of support para sa kanyang isinusulong, kasama ang kongresista sa Back To Service (BBTS), na P10K Ayuda Bill sa Kamara.
Ito ay matapos magpahayag ng suporta sa naturang panukala si Parañaque 2nd District Rep. Eric Olivarez.
Sa panayam ng DZRJ, sinabi ni Olivarez, full support siya sa P10K Ayuda Bill ni Cayetano dahil kailangan ito ng sambayanang Filipino.
“Kung kaya ng budget, bakit hindi para sa mga nangangailangan, kung kaya ng appropriation na i-budget po ‘yon para sa nangangailangan, full support tayo roon,” ani Olivarez.
Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni Cayetano kay Olivarez at sa iba pang mga kongresista na aniya’y sang-ayon at sumusuporta rin sa P10K Ayuda Bill.
“May consensus naman talaga ang buong Filipinas na kailangan ng P10K ayuda ng mga Filipino at ito’y mabuti sa ekonomiya at ito ay mabuti sa pamilya,” giit ni Cayetano.
Nakiusap din si Cayetano sa mga kapwa kongresista na bilisan ang aksiyon at suporta sa P10K Ayuda Bill upang maibigay agad ito sa mga nangangailangan lalo ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at inilugmok ng pandemya dulot ng CoVid-19.
Mahalaga aniya na maikasa ng P10K ayuda upang agad maaksiyonan ang pagbibigay ng iba pang stimulus package para sa ibang sector ng lipunan.
“Kaya pakiusap ko sa lahat ng kongresista na gawin nating mabilis at i- explain natin sa Malakanyang na may pera naman at agad-agad na ‘yung P10K ay maibigay at agad-agad na isunod ang iba pang stimulus gaya ng health, agriculture, tourism, education, at kabuhayan.’’
Ang P10K Ayuda Bill ay inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong Pebrero 2021.
Imbes talakayin ay isinama ito sa pagtalakay sa Bayanihan 3 ngunit ‘di rin nabigyan ng halaga dahil mas isinulong ng Kamara ang pagbibigay ng P1K sa bawat Filipino.
Pero mariing tinutulan ni Cayetano ang 1K dahil hindi limos ang kailangan ng mga tao sa kasalukuyan.
“Extraordinary times need extraordinary measures. Hindi po limos ang kailangan ng mga Filipino sa ngayon,” ayon pa sa dating speaker.
Nauna rito nanawagan si Cayetano sa mga tao na pakiusapan at ligawan ang kanilang mga kongresista na sumuporta sa P10K Ayuda Bill.
Aniya, alam niya ang damdamin ng mga kasama sa kongreso tungkol sa naturang panukala. “Alam ko naman ang damdamin ng mga kongresista at payag rin sila.”
Noong Mayo Uno, Araw ng Paggawa, inilunsad ni Cayetano at ng kanyang grupo ang “Sampung Libong Pag-asa” na mahigit 200 benepisaryo ang nakatanggap ng P10K ayuda mula sa kanilang sariling pagsisikap. Ito ay upang mahikayat ang Kamara na aksiyonan ang panukala upang makatulong sa maraming pamilyang Filipino na makapag-umpisa ng maliit na kabuhayan at makabangon paunti-unti mula sa pagkalugmok mula sa pandemyang dulot ng CoVid-19.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …