Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City

Caloocan, 100% na sa pamamahagi ng P1.3B ECQ ayuda

TAPOS na ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pamamahagi ng P1,336,190,000 ECQ cash assistance na nagmula sa national government.

Kabuuang 410,053 pamilya ang nakatanggap ng cash assistance sa lungsod. Kabilang sa mga nakatanggap ang mga benepisaryo ng SAP at Bayanihan 2 (363,737 pamilya), persons with disabilities (7,958 benepisyaryo), solo parents (1,241 pamilya), Pantawid Pamilyang Pilipino Program members o 4Ps (26,307 pamilya), at TODA/JODA members (6,722 benepisyaryo). Samantala, nasa 4,088 naman ang naaprobahan ng Grievance Committee.

Nagpapasalamat si Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa lahat ng naging katuwang sa mabilis na distribusyon ng nasabing mga ayuda.

“Nagpapasalamat tayo sa national government para sa ayudang ibinaba upang makatulong sa mga pamilyang apektado ng ipinatupad na ECQ,” pahayag ni Mayor Malapitan.

“Espesyal na pasasalamat din sa ating mga kawani, mga barangay, UCC students at sa USSC, ang ating partner remittance company, kaya’t naging maayos, ligtas at matagumpay ang proyektong ito,” pahayag ni Mayor Malapitan.

Nauna nang sinabi ni Mayor Malapitan na malaking tulong sa mabilis na pamamahagi ng ayuda sa kabila ng pagiging malaking lungsod ang paggamit ng text messaging at iba pang makabagong online digital technology sa scheduling, distribution, at documentation system, na sabay-sabay isinagawa sa barangay mobile caravans, gayondin ang dedikasyon at kakayahan ng mga mag-aaral mula sa University of Caloocan City, na silang nagsilbing paymasters. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …