Saturday , November 16 2024
money Price Hike

Inflation rate ng NEDA mintis sa mataas na presyo ng bilihin

KINUWESTIYON ni Senador Imee Marcos ang hindi pagkakatug­ma ng mataas na presyo ng pagkain sa mga palengke sa iniulat na pagbaba ng inflation rate sa bansa.

Sinabi ni Marcos, pinuno ng Senate committee on economic affairs, dapat tapyas na ang mga presyo ng pagkain dahil malaki ang epekto nito sa pagkalkula ng inflation rate na sinasabing bumaba sa 4.5%.

“Totoo kaya ‘yung sinasabi ng NEDA (National Economic Development Authority) sa inflation rate? Kasi ‘di ramdam sa palengke at grocery,” ani Marcos.

Kinalampag ni Senadora Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil nananatiling mataas ang presyo ng pagkain kahit inalis sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at ang apat na karatig probinsiya na nagbubuo sa tinawag na NCR Plus bubble.

Binigyang diin ng mambabatas tila kumu­ku­yakoy na naman ang DTI at papetiks-petiks kaya namamayagpag ang mga mapagsamantalang negosyante.

Isang linggo bago ipatupad ang ECQ noong 29 Marso sa NCR Plus bubble, ang presyo sa palengke kada kilo ng pork liempo ay nasa P320-P370, ang pork kasim nasa P300-P350, ang bangus nasa P130-P185, tilapia nasa P100-P150, alumahan nasa P240-P300, habang ang manok ay nasa P165-P200.

Nitong Biyernes, tumaas ang mga presyo hanggang P420 sa pork liempo, P380 sa pork kasim, P200 sa bangus, P340 sa alumahan, habang pareho pa rin sa tilapia, at bumaba lamang sa P130-Php180 ang manok.

Panawagan ni Marcos, hindi dapat mapako sa pa-update-update lang ng E-presyo o online price monitoring, sa halip mas epektibo kung linggo-linggong gawin ang suprise inspection ng DTI sa iba’t ibang palengke, at kung may lumabag, agad sampolan at hulihin.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *