Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Most wanted sa CL timbog sa manhunt ops (Anak ng kinakasama ginahasa)

HINDI inaasahan sa kanyang paglutang mula sa halos isang dekadang pagtatago ay matimbog ang isang suspek, itinutu­ring na isa sa most wanted ng Central Luzon sa isinagawang Manhunt Charlie operation nitong Martes, 13 Abril, sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeria­no de Leon ang suspek na si Alberto Soriano, Jr., 51 anyos, may asawa, nakatira sa Sumacab Norte, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, isinilbi ng mga kagawad ng Cabanatuan City Police Station ang alias warrant na inisyu ni Honorable Johnmuel Romano Mendoza, Presiding Judge ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 26.

Walang inereko­men­dang piyansa sa pan­samantalang paglaya sa kasong dalawang bilang ng panggagahasa at acts of lasciviousness may petsang 13 Agosto 2018.

Sa impormasyon mula sa Cabanatuan City PNP, positibong itinuro si Soriano bilang pangu­nahing suspek sa pang-aabusong sekswal sa menor de edad na anak ng kanyang kinakasama noong 2012.

Nakatakdang iharap sa korte ng raiding team ang suspek na pansa­mantalang nakapiit sa custodial facility ng Nueva Ecija PNP.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …