HINDI nakalusot ang isang suspek sa pagpatay, na sinabing pang-anim na most wanted ng Manila Police District (MPD) ng magkakasanib na puwersa ng Manila Police District Moriones – Tondo Police Station 2 (PS2) at Orani Municipal Police Station sa inilunsad na operation Manhunt Charlie ng PRO3 nitong Linggo, 4 Abril, sa kanyang hideout sa Brgy. Mulawin, Orani, lalawigan ng Bataan.
Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa ulat ni P/Col. Joel Tampis, provincial director ng Bataan police, ang suspek na si Solomon Daguman, 30 anyos, resdidente sa Tondo, Maynila, dinakip ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa kasong homicide na nilagdaan ni Hon. Judge Merianthe Pacita Zuraek ng Manila RTC Branch 51, may piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
“The continuous accounting and arrest of wanted persons even those who are sought by law from the different regions and provinces in line with the guidelines of our Chief PNP. This also send strong message to all lawless elements that Region 3 is not safe haven for all criminals,” pahayag ni P/BGen. De Leon.
(RAUL SUSCANO)