Saturday , December 21 2024

AFP CS, 88 officials kinompirma ng CA

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Cirilito Sobejana, at ng 31 military officials ganoon din ang nominasyon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Ferolino-Ampoloquio, bukod pa sa nomina­syon ng limang ambassador na kakatawan sa Filipinas at 51 opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Bago tuluyang kompirmahin ang mga nominasyon, sumalang sa pagdinig para sagu­tin ang ilang katanungan katulad ng isyu ng West Philippines Sea para sa mga taga-DFA, at sa nalalapit na halalan at pagpapa­rehistro para sa Comelec.

Kinompirma rin ng makapangyarihang komisyon si AFP Human Rights Officer Joel Alejandro Nacnac para sa ranggong  Brigadier General.

Gannoon din para ranggong Brigadier General sina Erick Escarcha, Edgardo Palma, at Joel Alejandro Nacnac.

Ranggong Major General para kay Nestor Herico; Dorvin Jose Legaspi, Rear Admiral; Philip Lapinid, Brigadier General; Ferdinand Cartujano, Lieutenant General; Nestor Florente Rayos, Major General; Romeo Brawner, Jr., Major General; Donn Anthony Miraflor, Commodore; Edgar Nigos, Brigadier General; Joseph Ferrous Cuison, Brigadier General; Poten­ciano Camba, Brigadier General; Monico Abang, Brigadier General; Floran­te Gagua, Commodore; Eric Nicanor, Brigadier General; Domingo Gob­way, Brigadier General, Efren Baluyot, Major General; Venus Gualda­quever, Captain, Philippine Navy (Reserve); Rosalio Pompa, Brigadier General; Luis Rex Ber­gante, Brigadier General; Arturo Rojas, Brigadier General; Rolan­do Escalona, Jr., Colonel, Judge Advocate General Service; Toribio Adaci, Jr., Rear Admiral; Michael Lorenzo, Brigadier General; Jeanette Rivarez, Colonel, Nurse Corps (Reserve); Maria Teresa Rudio, Colonel, Nurse Corps (Reserve); Lourdes Dacoscos, Colonel, Nurse Corps (Reserve); Allan Tiu, Colonel, Judge Advocate General Service; Remuel Jardinero, Captain, Philippine Navy; Ruel Baldeo, Colonel, Dental Service (Reserve); Annaliza Yanto, Colonel, Nurse Corps (Reserve).

Sa DFA, kinompir­ma ng CA sina Generoso Calonge – Chief of Mission, Class I, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary, Republic of Iraq; Maria Theresa Dizon – de Vega, Chief of Mission, Class I, Ambassador, Extraordinary and Plenipotentiary, Republic of Korea; Maria Lumen Banzon Isleta, Chief of Mission, Class I, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary, Kingdom of Sweden (with concurrent jurisdiction over the Republic of Finland); Maria Elena Palo Algabre, Chief of Mission, Class II, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary, Republic of Turkey (with concurrent jurisdiction over Georgia and the Republic Azerbaijan); Alan Lazaro Deniega, Chief of Mission, Class II, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary, Republic of Bangladesh (with concurrent jurisdiction over the Democratic Socialist Republic of Sri Lanka and the Republic of Maldives).

Ganoon ang anim na senior officials naitaas sa ranggong Chief of Mission, Class I, 10 ranggong Chief of Mission, Class II, ang 10 ay ranggong Career Minister, at 25 ay nakakuha ng ranggong Foreign Service Officer, kasama rito si Chief of Presidential Protocol Robert Eric Borje.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *