BINATIKOS ng mga Senador ang napaulat na draft memorandum ng Department of Health (DOH) ukol sa pagbabawal ng pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19 ng ilang mga pribadong kompanya na maituturing na diskriminasyon.
Ilan sa mga senador ang bumatikos sa DOH ay sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senadora Nancy Binay at Imee Marcos.
Iginiit ng mga mambabatas, mukhang gumagawa ng sariling batas ang DOH dahil walang nasasaad na pagbawalan ang ibang kompanya sa pagbili ng bakuna.
Binigyang-diin ng mga senador na tila tinalo ng DOH ang senado at mababang kapulungan ng kongreso sa paggawa ng batas.
Napansin din ng mga senador na tila umaabuso ang DOH sa kapangyariihang ipinagkaloob sa kanila ng batas sa paggawa ng Implementing Rules and Regulation (IRR).
Tinukoy ng mga senador, kung itutuloy ito ng DOH ay maaaring maharap sila sa kaso dahil sa usapin ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao.
(NIÑO ACLAN)