Saturday , November 16 2024

Kabataang babae proteksiyonan laban sa epekto ng pandemya

SA GITNA ng mga bagong paghihigpit dahil sa pag-akyat ng mga kaso ng CoVid-19, muling binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian ang kahala­gahan ng pagpapatuloy ng edukasyon at ng mga programang nagbibigay proteksiyon sa mga batang kababaihang nahaharap sa matinding panganib.

Kamakailan ay ibinahagi ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang naging resulta ng isang survey ng Social Weather Stations (SWS), na lumabas na 25 porsiyento ng mga Filipino ay nababahala sa karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan.

Ayon sa naturang survey, 11 porsiyento ang nababahala sa pisikal na pang-aabuso, pitong porsiyento naman sa karahasang sekswal, at pitong 7 porsiyento rin sa pang-aabusong emosyonal.

Dahil ang mga kababaihang mag-aaral ay halos isang taon nang nananatili sa kanilang mga tahanan, nanganganib silang makaranas ng karahasan at mataas din ang posibilidad na sila ay huminto ng pag-aaral, babala ni Gatchalian.

Ito ay dahil madalas silang inaasahang magbigay ng suporta upang maitawid ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Kahit na ipinapatupad ng mga paaralan ang distance learning, mahalaga ang pagpapatuloy ng safety nets, kabilang ang mga child protection programs, paliwanag ng senador.

Dagdag ng mambabatas, may papel din ang pagsasara ng mga paaralan sa pag-akyat ng mga bilang ng batang ina.

Sa isang pag-aaral ng Department of Science and Technology – National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP), ang pagsasara ng mga paaralan, ang pagkakaroon ng mga dysfunctional families, at ang kawalan ng access sa sexual at reproductive health education ay ilan sa mga maituturing na sanhi ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.

“Sa patuloy na pagdiriwang natin ng National Women’s Month, mahalagang alalahanin na dapat nating paigtingin ang pagbibigay proteksiyon sa ating mga batang kababaihan laban sa ano mang uri ng pang-aabuso at karahasan. Isa sa mga pinakamahalagang hakbang na maaari nating gawin ay hindi sila mahinto sa pag-aaral sa kabila ng mga hamong kinakaharap natin, lalo na’t ang mga paaralan ay may mga programa para sa kanilang proteksiyon,” ani Gatchalian.

Dagdag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, mahalaga ang papel ng child protection committee ng mga paaralan sa pagbibigay proteksiyon sa mga kababaihang mag-aaral. Tungkulin ng mga naturang komite na tulungan ang mga mag-aaral na nasa panganib, iulat ang mga kaso ng pang-aabuso, at makipag-ugnayan sa mga tanggapan tulad ng Philippine National Police-Women and Children’s Protection Desk, ang Local Social Welfare and Development Office, mga non-government organizations, at iba pang ahensya ng pamahalaan.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *