Saturday , November 16 2024

Intel network peligrosong atakehin ng hackers

MALAKI ang posibilidad na malagay sa alanganin ang intelligence network at information ng bansa sa sandaling maitayo ang cell sites sa ilang kampo sa bansa batay sa kasunduang nilagdaan ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Dito Telecommunity.

Sa ulat ng CNN Philippines, pinagkalooban ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang 3rd telco na kauna-unahang pribadong kompanya na makonekta sa cybersecurity intelligence platform, na sa huli ay maaaring ma-hack ang mahahalagang impormasyon ng ating intelligence network.

Sa sandaling maitayo ang cell sites sa kampo ng mga militar lalo sa Camp Aguinaldo, makakayang sakupin ng serbisyo nito ang Quezon City, San Juan  at Mandaluyong  o 3,444,995 customers para sa 191 barangays kabilang ang barangay Camp Aguinaldo, AFP.

Ayon kay Dito Chief technology officer Rodolfo Santiago, nakahanda nang magsimula ang konstruksiyon ng limang cell sites sa kampo kapag may go signal na ang AFP.

Sa sandaling matapos ang konstruksiyon ay sisimulan ang operasyon ng cell sites na maaaring maganap ang hacking o data privacy violations lalo na ang Dito ay napaulat na mayroong joint venture sa ChinaTel.

Ang ChinaTel umano ay mayroong 40 porsiyentong voting shares sa Dito na pinangangambahang maaaring maibahagi sa bansang China ang maseselang impormasyon lalo na’t kayang masakop ng mga sites ang halos 45 miles.

Maging si Senadora Grace Poe ay nagpahayag ng kanyang pangamba ukol sa kasunduan sa pagitan ng AFP at  Dito/ChinaTel joint venture dahil sa posibilidad na malagay sa peligro ang seguridad, kaligtasan at privacy ng sambayanan.

Tinukoy ni Senador Panfilo Lacson  ang naging pahayag ng DICT batay sa naging tanong ni Senador Ralph Recto na mayroong 13 million malware spread sa pamamagitan ng flash drives na may different types  at para sa different purposes.

Ibinunyag sa DICT Cybersecurity Bureau documents na seryoso ang banta ng cybersecurity sa bansa, patunay ang pitong milyong online users na tumataas sa 15 porsiyento ang mga biktima. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *