Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Students school

Pilot testing ng face-to-face classes dapat isagawa bago nationwide

IMINUNGKAHI ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara sa pamahalaan ang pagsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes bago maisagawa ang nationwide face to face dahil patuloy pa rin, mayroong pancdemyang kinahaharap ang bansa.

Binigyang-linaw ni Angara na nais na rin niyang magbalik sa eskwela sa pamamagitan ng face-to-face ang mga mag-aaral subalit hindi dapat magpadalos-dalos sa desisyon ang pamahalaan.

“Gusto natin maibalik ang face-to-face classes pero be that as it may nagsalita na rin si Presidente na basta’t walang bakuna ayaw niya mag-umpisa ng face-to-face classes nationwide. Kung sakali, bago tayo mag-umpisa gawa tayo ng nationwide rollout ng face-to-face classes, pumili tayo ng isa o dalawang probinsiya muna para sa pilot testing,”  ani Angara.

Tinukoy ni Angara na dapat gawan ng pilot testing at ang mga lugar na nakapagtala ng zero cases ng COIVID-19.

Bukod dito dapat handa ang health system ng mga lugar na gagamitin sa pilot testing para sa ganoon ay matugunan ang outbreaks  sa pagsisimula ng face-to-face classes.

“Kailangan ang lugar na ‘yun ay walang masyadong kaso at handa ang kanyang health system kung sakaling magkaroon ng super spreader event,” dagdag ni Angara.

Paalala ni Angara, biktima rin ng CoVid-19, ang mga mag-aaral na papasok sa isang classroom ay galing sa iba’t ibang tahanan na hindi ninuman alam ang kalagayan ng kausugan sa lahat ng miyembro ng pamilya nito.

“Kung i-rollout ng DepEd itong face-to-face classes ay maingat at limitado talaga, under very controlled conditions muna,” ani Angara.

(NIÑO ACLAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …