Saturday , December 21 2024

Misencounter ng PNP at PDEA iimbestigahan ng senado — Dela Rosa

TINIYAK ni Senador Renato “Bato” dela Rosa na magsasagawa ng imbestigasyon ang senado ukol sa naganap na misencounter sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamaka­ilan.

Ayon kay Dela Rosa, hindi dapat nangyayari ang ganitong kaganapan na nalalagasan ang pamahalaan ng tauhan dahil sa maling pamama­raan at kakulangan ng komunikasyon.

Naniniwala si Dela Rosa, ang kakulangan ng proper coordination ang isa sa nakikita niyang dahilan ng misencouter.

“In my view, there was lack of proper coordination. If indeed there was proper coordination made by both camps, there was negligence in the proper dissemination of that coordination to the operating units,” ani Dela Rosa.

Dahil dito itinakda ini Dela Rosa ang pagsinig sa darating na Martes (2 Marso) para mabigyang linaw ang lahat ukol sa insidente.

Tiniyak ni dela Rosa, indi siya papayag na hindi lumabas ang katotohanan sa insidente  at bibigyan niya ang magkabilang panig para ilahad ang kanilang pahayag ukol sa insidente.

“We seek to be enlightened in this proceeding but one thing is for sure, there were fatal casualties and we do not want that to ever happen again—most especially between our own government forces,” dagdag ni Dela Rosa.

Aminado si Dela Rosa, atay sa magiging resulta ng pagdinig ay matutukoy kung mayroong dapat amyen­da­hang batas at anong kailangang pag-amyenda ang gawin upang hindi na maulit pa ang insidente.

Nakalulungkot isipin, mismong kapwa mga alagad ng batas at nagpapatupad ng batas, sila pang mga nagsasa­bong.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *