“A shotgun declaration of MGCQ is dangerous.”
Tahasang sinabi ito ni Senadora Imee Marcos kasunod ng balaking magdeklara ng Modified Genaral Community Quarantine (MGCQ) sa Metro Manila sa layuning tuluyan nang makaahon ang ating ekonomiya.
Binigyang-linaw ni Marcos na hindi siya tutol sa pagbangon ng ekonomiya at dagdag na trabaho para sa ating mga kababayan ngunit dapat din umanong isaalang-alang ang kapakanakan at kalusugan ng bawat isa lalo na’t wala pang bakunang dumarating sa bansa.
“Aralin nating maigi at lagyan ng kongkretong batayan ‘pag nagdesisyon, huwag pabigla-biglang lundag sa pangkalahatang MGCQ. Nakakanerbiyos po,” ani Marcos.
Magugunitang sa 17 Manila mayors, 9 dito ang sumang-ayon na malagay sa MGCQ ang Metro Manila sa susunod na buwan.
Nanawagan din si Marcos sa local government units (LGUs) na siguruhing maipapatupad nang mahigpit ang safety protocols sa lahat ng mga establisimiyento at paraan ng transportasyon na kanilang nasasakupan.
Mismong ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang nagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay ang Metro Manila sa MGCQ upang bumangon ang ating ekonomiya.
Samantala sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang pagpapatupad at naging basehan sana ng naturang rekomendasyon ay batay sa siyensiya at mga ebedensiya.
Sinabi ni Drilon, anomang quarantine ang ipatupad ng pamahalaan ay kanyang sinusuportahan basta ibinase sa siyensiya kalakip ang mga ebidensiya.
Kaugnay nito, sinabi ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, walang masamas a naturang desisyon ng pamahalaan lalo na kung maliit ang bilang ng transmisyon ng CoVid-19 samanatalang doon sa tumataas ang bilang, dapat higit na pag-aaralan at hindi ipatupad.
(NIÑO ACLAN)