Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakuna tiniyak ni Bong Go (Magtiwala sa pamahalaan)

NANAWAGAN si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko at sa lahat na magtiwala sa pamahalaan dahil prayoridad nito ang pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19.

Mayroong lang umanong requirements o rekesitos na dapat na undin ang ating pamahalaan para pagbilhan tayo ng vaccine manufacturers.

Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on health, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng kongreso na iprayoridad ang panukalanhg batas na nagbibigay ng indemnity fund para sa mababakunahan na makakaranas ng adverse side effect/s at pagpapahintulot sa local government units (LGUs) na makabili ng mga bakuna sa pamamagitanng tri-partite agreement.

Ani Go, dahil sa kautusan at kahilingan ng pamahalaan, tiyak na magiging prayoridad ng senado at mababang kapulungan ng kongreso ang pagsasabatas nito.

Magugunitang inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, pangunahing may-akda ng panukalang batas, sa unang linggo ng Marso ay maipapasa na ito ng senado.

Iginiit ini Zubiri, hindi isasantabi ng kanyang mga kapwa senador dahil hindi lamang ito tungkol sa isyu ng pagbili ng bakuna kundi maging sa kapakanan ng kalusugan ng bawat mamamayang Filipino laban sa CoVid-19.

Maging si Senador Edgardo Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance na nagsagawa ng imbestigayson ukol sa panukalang batas at nag-sponsor ng committee report ay tiniyak na ipapasa ito ng mga senador.

Sinabi ni Angara, wala siyang nakikitang isa mang senador na tutol sa naturang panukala ngunit kailangan niyang isaalang-alang ang amendments ng mga kapwa niya senador o ang kanilang posisyon ukol sa panukala.

(NIÑO ACLAN) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …