Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gma

Bagong channel ng GMA, kaabang-abang

TULOY ang pag-arangkada ng GMA Network ngayong 2021. Bukod sa sunod-sunod ang mga bagong programang ipinakikila nito, inaabangan na rin ang malaking pagbabago sa isa pa nitong free-to-air channel na GMA News TV simula February 22.

Nagsimula nang umere ang teaser tungkol dito na makikita ang pasilip sa bagong channel logo. Ayon pa sa teaser, ”A big change is about to happen and it’s gonna be good.”

Tila nga senyales na rin ng nasabing “big change” ang mga bagong show na ipinakilala nitong simula pa lang ng taon. Isa sa mga malaking program launch ng GMA News TV ay ang fantasy-romance series na  The Lost Recipe na patok na patok ngayon sa viewers. Nariyan din ang romance fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig na hit sa mga young at young-at-heart. Ang all-original comedy game show na Game of the Gens, target din ang manonood from various generations.

Ang balita naming, patuloy ding mapapanood dito ang mga inaantabayanang newscasts, documentaries, at lifestyle shows. Kaabang-abang talaga ito at siguradong good news ito para sa marami.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …