Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
thief card

Probe vs fraud sa credit card, online bank transactions isinusulong sa Senado

MAGSASAGAWA ang Senado ng imbestiga­syon hinggil sa mga mapanlinlang at hindi awtorisadong paggamit ng credit card at iba pang online trabsactions sa banko.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, kaila­ngan busisiin ang mga kakulangan sa batas na dapat ay nagbibigay proteksiyon sa mga konsumer laban sa mga kawatan.

“Mula noong ibi­nun­yag natin ang pambibiktima sa aking credit card hanggang ngayon ay hindi humi­hin­to ang pagdagsa ng mga reklamo na nata­tanggap ng aking opisina mula sa mga biktima ng unauthorized online bank fund transfers at credit card transactions,” ayon kay Gatchalian.

“Hindi alam ng mga kawawang biktima kung saan nila maidu­dulog ang kanilang mga hinaing. Dagdag pa rito ang kawalan ng mabilis na proseso para matugunan agad ang kanilang mga reklamo,” aniya.

Ayon sa vice chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, layon ng pagdinig na alamin ang mga hakbang na ginagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)  at ng mga banko para masiguro ang kapakanan ng mga konsumer.

Pinag-iisipan ni Gatchalian na maghain ng panukala na magma­mandato sa financial regulators na maglagay ng mekanismo para maproteksiyonan ang mga konsumer at gawing pangunahing layunin upang matu­gunan ang mga reklamo laban sa panlilinlang.

Mapabibilis nito ang pagreresolba ng mga kaso o mga reklamong idinudulog.

“Parang dalawang dagok ito para sa mga nabiktima ng unauthorized online bank fund transfers at credit card transactions. Sila na nga ang nawalan, baka mapagastos pa sila kung kailangan pa nilang dumaan sa mahabang proseso ng paglilitis na kadalasan ay hindi lang buwan ang inaabot, kundi taon.

“Maraming mga isyu na kailangang harapin lalo roon sa aspekto ng cyber security, ang mga hamon at best practices. Ang mga banko ang kadalasang target ng mga ganitong klaseng panloloko lalo sa ganitong panahon na may pandemya kaya marapat na doblehin ang security measures,” pahayag ng senador.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …