Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

12 sugarol tiklo sa NE

NADAKIP ang 12 sugarol kabilang ang walong sabungero sa magkahiwalay na pagsalakay nitong Linggo, 7 Pebrero, sa lungsod ng Gapan at Science City of Muñoz, sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, naaktohan ng mga operatiba ng Gapan city police station ang walong sabungero sa tupada na kinilalang sina Jefferson Velasco, financier; Joselito Catacutan, Rolando Rason, Juanito Ybañez, Christopher de Guzman, Ruben Santos, Johny Ortiz, at Wilson Trinidad.

Nakompiska mula sa mga suspek ang dala­wang mamahaling manok na Texas, mga tari, at P4,720 cash na taya.

Samantala, naposasan ng Science City of Muñoz PNP ang apat na sugarol na nahuling nagpupusoy na kinilalang sina Crisanto de Guzman, Bernardino Indab, Ramil Tubay, at Ranilo Ramos, mga residente ng nasabing lugar.

Nasamsam mula sa kanila ang pinaglalaruang baraha at tayang P2,272.

Kakasuhan ang mga nadakip na suspek ng paglabag sa safety health protocols at PD 1602 na kasalukuyang nakapiit sa mga kaukulang PNP custodial facility. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …