BINIGYAN-DIIN ni Senator Grace Poe na dapat ay libre lamang para sa lahat ng mamamayan ang proposed vaccine passports.
“Talagang dapat libre ito. Sa batas namin libre ito,” wika ni Poe.
Isinasaad sa Section 10 ng panukalang batas na iniakda ni Poe na: “Vaccine Passport Act” (S. No. 1994) states no fees shall be collected for the issuance, amendment, or replacement of a vaccine passport.
Nakabinbin pa rin ang panukalang batas sa Senate Committee on Health and Demography.
“Cost should not be a consideration in restoring normalcy and providing peace of mind to Filipinos,” wika ni Poe.
Inilinaw ni Poe, suportado ng DOH ang roll out ng vaccine passport kahit hindi pa maging batas ang naturang panukala.
“Noong kami’y nagkaroon ng pagdinig kasama si (DOH) Secretary Duque, sabi naman niya, gagawin nila iyon kahit walang batas, na dapat meron daw pruweba para masabi kung anong dosage ang naibigay sa iyo, anong klaseng bakuna,” wika ni Poe.
Sinabi ni Poe, napapanahon ang pagkakaloob ng vaccine upang makatiyak sa kaligtasan, at mapanatag ang kalooban ng mga mamamayan.
“Alam naman natin na maraming mga establisimiyento at mga kompanya ay nag-iipon na para mabakunahan ang kanilang mga empleyado. Mahalaga ito sa iba’t ibang uri ng negosyo para alam natin na ligtas tayong pumunta sa isang restaurant. O kundi sa food facility na nagha-handle ng pagkain, gusto natin na ligtas ang ating pakiramdam, at siyempre para mangyari ito, kailangan ligtas rin ang ating mga empleyado,” wika ni Poe.
(NIÑO ACLAN)