BINIGYANG-LINAW ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hindi sapat ang ipapatupad na price ceiling kung wala naman sapat na suplay ng karne ng baboy at manok sa buong bansa.
Ayon kay Pangilinan kahit anong price ceiling ang ipalabas ng pamahalan kung walang sapat na suplay ng isang produkto ay nawawalan din ito ng saysay.
Iginiit ni Pangilinan, ang mahalaga ay mayroong sapat na suplay na manggagaling sa Visayas at Mindanao.
Ibinunyag ni Pangilinan na may natanggap siyang impormasyon na mayroong hoarding na nagaganap kung saan may bumili ng maraming buhay na baboy at hindi muna inilabas. Saka lang umano ilalabs kapag mas mataas na ang presyo ng karne.
Ikinumpara rin ni Pangilinan ang problema ng karne ng baboy at manok sa presyo ng bigas na sumirit din pataas nang husto.
Naniniwala rin si Pangilinan na mayroong sabwatang nagaganap sa pagitan ng ilang mga namumuhunan at opisyal ng ating pamahalaan lalo pagdating sa importasyon.
Dahil dito tiniyak ni Pangilinan na lalo pa niyang gigisahin sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Food and Agriculture ang mga opisyal ng pamahalaan ukol sa biglaang pagtataas ng presyo ng baboy at manok. (N. ACLAN)