Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Go nangako ng tulong sa pamilya ng OFW

TINIYAK ni Senator Christopher Bong Go na tutulungan niya ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Ann Daynolo na natagpuang patay sa Abu Dhabi matapos mabalitang missing sa loob ng 10 buwan.

Ayon kay Go, gagawin niya ang lahat para matulungan ang pamilya na makamit ang hustisya dahil ayaw niyang may kababayan na inaapi o pinapatay sa ibang bansa.

Ani Go, nakakalungkot isipin ang lungkot na dinaranas ng mga OFW sa kanilang pansamantalang paglayo sa kanilang mahal sa buhay para lamang mabigyan ng  mas magandang buhay ang kanilang pamilya.

Ang ganitong mga insidente ang dahilan kaya isinusulong  umano ng senador ang pagta­tatag ng Department of Overseas Filipinos (DOFIL) na isa rin sa priority ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga nakalipas na State of the Nation Address (SONA).

Giit ni Go, panahon nang magkaroon ng sariling departamento ang napakalaking sektor ng mga OFW na may­roong cabinet-level na namumuno.

Si Daynolo ay nagtatrabaho bilang receptionist sa isang hotel sa Abu Dhabi bago napabalitang  nawawala hanggang matagpuan ang bangkay nito.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …