Saturday , November 16 2024
pig swine

Importasyon mas mabilis na papatay sa pork industry kaysa ASF — Marcos

NANAWAGAN si Senadora Imee Marcos sa gobyerno na harangin ang mga pork importers na manipulahin o imaniobra ang lokal na supply ng mga karneng baboy at tuluyang patayin ang negosyo ng mga magbababoy na Pinoy.

“Ang pagkatay sa kabuhayan ng ating mga lokal na hog raisers ay magsisimula kapag ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) ang plano nitong itaas nang tatlong beses ang minimum access volume o dami ng puwedeng iangkat na baboy sa bansa sa mas mababang taripa, na ngayon ay nasa 54,000 metriko tonelada,” diin ni Marcos.

“Tila OA ang reaksiyon ng DA sa pagmamadali nitong lakihan ang import ng karneng baboy para mapababa ang presyo sa palengke. Maaring magdulot ito ng ‘coup de grace’ o tuluyang pagpatay sa industriya ng pagbababoy bago pa maipalabas ng Vietnam ang bakuna kontra sa ASF (African Swine Fever) sa huling bahagi ng taong ito,” giit ni Marcos.

Binigyang diin ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, kaysa magmadali sa importasyon, ang dapat bilisan ay imbestigasyon sa ‘hoarding’ o pag-ipit ng pork products na maaaring sanhi ng artipisyal na pagtaas ng presyo nito sa merkado sa gitna ng pagkalat ng ASF, partikular sa Luzon.

“Marami nang lokal na hog raisers o magbababoy ang nagsara na ng kanilang negosyo. Ang importasyon sa gitna ng CoVid-19 pandemic ay kapalit ng kawalan ng lokal na trabaho at pagsuko sa mga dayuhan para sa food security ng ating bansa,” ani Marcos.

Ang presyo ng mga imported na baboy galing sa United States, Canada, Spain, United Kingdom, Netherlands, at Brazil ay pang-eengganyo o pang-akit para sa mas malaking kita pero mga konsyumer ang isinasakripisyo.

Inihalimbawa ni Marcos ang import cost ng isang 40-foot container ng frozen pork belly o liempo mula sa Spain na P117.87 kada kilo, kasama na ang 40% na taripa.

“Ikompara n’yo ‘yan sa kasalukuyang presyo sa merkado na aabot ng P450 kada kilo. Kahit pa idagdag ang gastos sa cold chain, pag-imbak at delivery, lumalabas na ang gastos lang ng mga importer ng karne ay nasa P153 kada kilo,” pagdidiin ni Marcos.

Bukod sa paghuli sa mga nananamantalang hoarders at profiteers,  sinabi ni Marcos na kaya rin ng gobyernong mapababa ang presyo ng karne kung isu-subsidize ang gastos sa pagbiyahe nito sa Luzon, na 80% ay inaangkat mula Visayas at Mindanao.

Binigyang-diin ni Marcos na ang DA ang may pinaka­malaking item ng pondo para sa emergency sa ilalim ng Bayanihan 2, na may kabuuang P24 bilyon.

“Dapat talagang maimbes­tigahan ang paggastos ng DA, pati ang DTI (Department of Trade and Industry) na bigong makontrol ang pagtaas ng presyo ng pagkain kahit may umiiral na suggested retail prices,” ani Marcos.

Ang Senate Resolution 619 ni Marcos na target imbestiga­han ang mga nagdedesisyon sa presyo ng pagkain sa merkado ay kasamang tatalakayin sa joint hearing ng mga komite ng agriculture, food and agrarian reform at trade, commerce and entrepreneurship ngayong araw, Lunes. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *