MAGANDA ang pasok ng Bagong Taon para sa official Kapuso comedy channel na YouLOL dahil pumalo na sa higit 300,000 ang kanilang subscribers sa YouTube.
Pitong buwan matapos ang launching nito, humakot na agad ang nasabing channel ng 54 million lifetime views sa video-sharing site. Sa kanila namang TikTok page ay mayroon na rin silang 480,000 followers at 2.2 million likes.
Patuloy namang nangangako ang YouLOL sa paghahatid ng fresh at nakaaaliw na episodes sa kanilang shows na YouLOLComedy Night Live, The Cray Crew, Ladies Room Live, COMICAM, at Kaya Ko Yan.
(ROMMEL GONZALES)