Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating teacher, G na G sa nude at masturbation scene

ISANG PE teacher sa isang eskuwelahan sa Tondo bago naging hubaderong actor si Mhack Morales kaya natanong ito kung  papapanoorin ba niya ng pelikula niya ang mga estudyante at co-teachers niya?

Oo raw, kasi aniya, ngayong hindi pa man ipinalalabas ang pelikulang kasama siya, ang Anak ng Macho Dancer ay trending na ito kaya alam niyang mapapanood ito ng maraming tao.

Happy si Mhack dahil may isa siyang dating estudyante na nagsabing proud ito para sa kanyang dating guro dahil nakamit niya ang matagal nang pangarap, ang maging artista.

‘Yung iba naman niyang mga dating estudyante ay nagpapalitrato pa kasama siya.

Sa ngayon, inihinto muna ni Mhack ang pagtuturo, ang showbiz muna ang mundo niya.

May nude scene, bed scene, at masturbation scene si Mhack sa malapit ng ipalabas na Anak Ng Macho Dancer.

“Okay lang po iyon, parte po ng trabaho ‘yun.

“Mayroon po akong nilamas na malaking tinapay,” bulalas na sabi pa ni Mhack tungkol sa isa sa mga kontrobersiyal na eksena niya sa pelikula na ipalalabas end of January.

Ang Anak ng Macho Dancer ay handog ng Godfather Productions ni Joed Serrano.

Isa si Mhack sa mga personal na pinili ng direktor ng pelikula na si Joel Lamangan para maging cast.

Sa tanong naman kay Mhack tungkol sa pagpapantasya sa kanya at pakikipagrelasyon sa mga bading at pagpapatikim sa bading, ”Pantasya okay lang po, pero ‘yung tikman, hindi po natin alam kasi hindi ko naman po isinasara ‘yung pinto ko, eh. Pero puwede naman pong makipag-friend lang, ‘yung ganoon.”

Paano kung magkagusto sa kanya si Joed?

“Ah, Mr. P ‘yan eh,” ang bulalas ni Mhack.

Mr. P ang pet name kay Joed ng mga taong malalapit dito. Pero wala raw nangyayari sa kanila na sekswal, mabait talaga si Joed, ayon kay Mhack, babae man o lalaki ay tinutulungan ng producer.

Pero saad naman ni Joed, muntik nang may nangyari sa kanila ni Mhack.

“Sa Bnaked. Kasi na-curious ako, kasi teacher,” say ni Joed. ”Naudlot lang kasi may girlfriend siya noon. Ayoko ‘pag may girlfriend,” sabi pa rin ng actor-turned-producer.

Sumali dati at pumuwestong runner-up si Mhack sa Bnaked na model search/pageant na produced din Joed.   Ngayon ay walang GF si Mhack.

“Pero solid kami ni Mr. P (Joed) na friends. At saka may pulis siya baka mamaya tapusin ako eh, baka isabit kami sa Christmas tree.

“Joke lang, barkada namin si Pulis eh,” ang tumatawang pagtukoy ni Mhack sa na karelasyon ngayon ni Joed.

At dahil may karanasan na sa babae, natanong si Mhack kung gaano siya kagaling sa kama.

“Hindi ko po sinasabing magaling ako pero uulit-ulitin mo!”

Si Mhack ay si Lemuel sa Anak Ng Macho Dancer.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …