Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, magre-reinvent ngayong 2021 — Expect the unexpected

ACTUALLY hindi ako naniniwala sa New Year’s resolution pero nagiging guide ko siya everytime may gusto akong i-achieve,” ang umpisang sagot sa amin ni Aiko Melendez tungkol sa tanong kung naniniwala ba siya sa New Year’s resolution at kung ano ang New Year’s resolution niya.

“So for this year mas magiging grateful ako with what I have.”

Ano naman ang biggest lesson na natutuhan niya sa buhay niya nitong nakalipas na taon?

“Iyan din ang naging greatest lesson ng lahat for 2020, to be grateful with what you have kasi it doesn’t matter how much money you have kung may sakit ka.

“And it also taught us the lesson when most of us was just stuck home doing nothing but we were just in the company of our family.

Ano ang mga maituturing niyang blessings na dumating sa kanya sa taong 2020?

“Ang pinaka-blessing ko sa 2020 was kahit may pandemic God provide and I was also able to share what I have to the less fortunate,” pahayag pa ni Aiko na nakausap namin via Facebook messaging noong January 4, Lunes.

May upcoming shows na ba siya sa GMA?

“No shows yet after ‘Prima Donnas’ but GMA assured me there is one after [Prima Donas].”

Speaking of Prima Donnas, nanalo si Aiko bilang Favorite Kontrabida sa LionhearTV RAWR Awards 2020 noong December 5 ng gabi via a virtual awarding ceremony.

Dahil sa husay ni Aiko bilang Maria Kendra Fajardo-Claveria sa Prima Donnas ng GMA at tinalo niya sa naturang kategorya sina Kyle Velino (Gameboys The Series); Yam Concepcion (Love Thy Woman); John Arcilla (FPJ’s Ang Probinsyano); Dimples Romana (Kadenang Ginto); Jodi Sta. Maria (Ang Iyo Ay Akin); Martin del Rosario (The Gift), at Sheryl Cruz (Magkaagaw).

Ano ang expectations ni Aiko sa taong 2021 career-wise?

“Gusto ko for 2021 mag-reinvent ng sarili at roles na gagawin ko, so expect the unexpected sa akin sa 2021.”

Isang taon na lamang at eleksiyon na muli, ano ang plano ni Aiko?

“Elections, I’m not closing any doors to any possibilities and I’m making a change this year,” ang pamisteryosang saad pa ni Aiko.

Nakompleto at natapos ni Aiko ang kanyang tatlong termino bilang konsehala sa 2nd District ng Quezon City noong 2001 hanggang 2010.

May wedding plans na ba sila ni Zambales Vice-Governor Jay Khonghun?

“Wedding plans? I am not in the position to say anything about that kasi ang pangit kung sa akin manggagaling. Ha! Ha! Ha!”

Tatlong taon na ngayong magkasintahan sina Aiko At VG Jay.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …