“Dapat itong imbestigahan ng mga awtoridad.”
Ito ang tugon ni Senator Christopher “Bong” Go kaugnay sa mga report na may mga estudyanteng nagbebenta ng kanilang malalaswang larawan at video para may pambayad sa kanilang matrikula.
Ayon kay Go, dapat hulihin at mapanagot ang mga taong kasabwat sa ganitong uri ng gawain dahil maituturing itong cyber crime.
Itinuturing din ng Senador na pagsasamantala ng masasamang loob sa mga kawawang estudyante ang nasabing gawain.
Pinayohan ni Go ang mga mag-aaral na hindi dapat pumasok sa ganitong gawain kung gustong mag-aral dahil maaari namang tumulong ang gobyerno.
Bukas aniya ang kanyag tanggapan para sa mga estudyanteng manghihingi ng tulong para makapag-aral. (NIÑO ACLAN )