Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DILG Regional Director James Fadrilan nahalal bilang pangulo ng Romblon Chess Club

NAKUHA ni Department of the Interior and Local Government (DILG)  Regional Director of Region 1 James Fadrilan ang sariwang mandato para pangunahan ang Romblon Chess Club.

Sa naganap na  Zoom nitong 3 Enero 2021, Linggo, si Fadrilan na dating MIMAROPA DILG Director ay nahalal bilang Pangulo.

Nakamit ni Fadrilan ang majority votes nang bomoto ang mga Romblo-anon members ng Romblon Chess Players Group.

Si Fadrilan na tubong Banton, Romblon ay licensed Agricultural Engineer na kasalukuyang naninirahan sa Cavite City.

Ang nahalal na pangulo ay umaasa na mapag-iisa  ang lahat ng Rombloanon Chess Players worldwide, mag-develop ng grassroot talent at makapag-produce ng future masters na magmumula sa Romblon at maingat  ang Romblon na maging Chess Capital sa MIMAROPA Region.

Nahalal din si Dr. Jenny Mayor ng Cajidio­can, Romblon, ang 7-time Philippine  Executive Champion, at owner ng Mayor Dental Clinic bilang bise presidente habang si DSWD KC-NCDDP MIMAROPA Regional Infrastructure Officer – III Engr. Ernie Faeldonia mula Odiongan, Romblon ang nahalal bilang Secretary-General.

Ito ang ika-apat na posisyon ni Faeldonia sa magkakaibang Chess Clubs bilang Presidente ng España Chess Club -Manila, Club Director  ng Bayanihan Chess Club, at Club adviser ng I Love Chess Philippines. Siya rin ang   Secretary  General  ng World Kickboxing Association Philippines.

(Marlon Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …