EXCITED na may halong kaba ang nararamdaman ni Kelvin Miranda sa kanyang nalalapit na pagganap bilang leading man sa The Lost Recipe, na makakatambal si Mikee Quintos.
Sa recent interview niya sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Kelvin na hindi niya maiwasang isipin kung magiging maganda ang pagtanggap sa kanyang karakter.
“Ang ikinatatakot ko po talaga ‘yung mga taong may ayaw po sa akin sa loob ng industriya na kahit ano pong gawin kong mabuti o maayos may nasasabi at nasasabi pa rin po sa akin.”
Bagama’t may pressure, sobrang grateful pa rin si Kelvin para sa ipinagkatiwalang role at ipinangako niyang ibibigay ang best niya para rito.
“Kung ano man po ang makita nila, ‘yun ay tatanggapin ko. Hindi naman po ako perpekto at kung mangyari man na punahin nila ako, ako po ay magpapasalamat dahil may pagkakataon ako malaman ang mga pagkakamali ko.”
Abangan ang The Lost Recipe sa GMA News TV, malapit na!
Rated R
ni Rommel Gonzales