Thursday , December 26 2024

P4.5T 2021 nat’l budget ratipikado sa senado

NIRATIPIKAHAN ng Senado ang panukalang P4.5 trilyong national budget para sa taong 2021.

Ito ay matapos magkasundo ang bicameral conference committee na kinatawan ng mga mambabatas mula sa Senado at sa Kamara.

Ang bicameral conference committee ang nag-ayos ng gusot o sa magkaibang bersiyon ng 2021 proposed national budget ng Senado at Mababang Kapulungan.

Unang niratipikahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang budget.

Magsusumite ang Senado ng kopya kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang lagda.

Sa sandaling malagdaan ng Pangulo, tiyak na magiging epektibo ito sa unang araw ng Enero sa susunod na taon.

Nagawa ng Kongreso na aprobahan ang panukalang budget bago matapos ang taon upang maiwasang maging re-enacted ang 2021 national budget.

Sinabing ang national budget na nakatuon bilang pagtugon sa pandemya at pagsisikap na makabangon ay naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo.

Batay sa datos ng tanggapan ni Senate finance committee chair Sonny Angara, ang sektor ng edukasyon ay tatanggap ng P708.181 bilyon kapag nilagdaan ni Duterte ang bicam-approved version ng 2021 budget.

Kabilang sa sector ng edukasyon ang Department of Education, State Universities and Colleges, Commission on Higher Education, at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Pangalawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nakakuha ng ikalawang pinakamataas na bahagi na P694.822 bilyon, habang ang health sector ay pangatlo sa P287.472 bilyon.

Sa ilalim ng health sector ang Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), specialty hospitals, ang Philippine Institute Of Traditional And Alternative Health Care, at ang Health Facilities Enhancement Program (HFEP), ganoon din ang CoVid-19 vaccine.

Narito ang iba pang ahensiya ng pamahalaan na may mataas na alokasyon sa 2021 budget:

  • Department of Interior and Local Government – P247.506 billion
  • Department of National Defense – P205.471-B
  • Department of Social Welfare and Development – P176.659-B
  • Department of Transportation – P87.445-B
  • Department of Agriculture – P68.622-B
  • Judiciary – P44.108-B
  • Department of Labor and Employment – P36.606-B

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *