Saturday , November 16 2024

Final Report ng “matagumpay” na SEA Games isinumite ng SEA Games Organizing Committee

Nagsumite ng final report na nakapaloob sa isang libro ang South East Asian Games Organizing Committee kay PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino and Philippine Sports Commission (PSC) Chair William “Butch” Ramirez sa isang simpleng seremonya sa Taguig City.

Matapos ang labing-apat na taon, naghost ulit ang Pilipinas ng South East Asian Games at pinatunayan ng bansa na kaya nitong magsagawa ng pinakamalaki at pinakamahusay na pagdadaos ng SEA games sa kasaysayan kung saan nagkaroon ng 56 sports, 531 events na dinaos sa 53 competition venues, and 8 non-competition venues.

Hindi biro ang pinagdaanan ng PHISGOC katulong ang PSC at POC upang matiyag na magiging matagumpay ang 30th SEA games.

“Natutuwa naman kami dahil kahit mga delegado galing sa ibang bansa ay nagpasalamat at nagbigay ng papuri sa Pilipinas mula sa opening ceremonies hanggang sa pagkatapos ng event”, sabi ni Suzara.

Nabawi ng Pilipinas ang overall championship ng SEA games kung saan nagtamo ang bansa ng 149 gold medals, 117 silver, and 121 bronze na may kabuuang 387.

Ayon kay PHISGOC Chief Operating Officer (COO) Ramon Suzara, ang libro ay nagsisilbing “badge of honor” o medalya na hindi maaring masira or madungisan kahit lumipas man ang panahon.

“Ang 300-na pahina na libro ay naglalaman ng kwento ng tagumpay, maliit or malaki man, na nakamit ng bansa sa makulay at makahulugang SEA games journey,” sabi ni PHISGOC COO Suzara.

Ang sinasabing report ay isusumite ng PHISGOC sa South East Asian Games Federation.

“Ang makasaysayang dokumento na ito ay sumasalamin sa sipag at pagsisikap na ibinuhos ng bawat miyembro ng pamilya ng PHISGOC sa kanilang paghahanda para sa malaking sports event,” paglalahad ni Suzara.

“Bawat atleta, game official, sponsor, media pati na ang mga manunuod ay nagbigay ng kani-kanilang ambag sa tagumpay ng SEA games,” dagdag ni Suzara.

About Hataw Tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *