Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang ‘water hike’ sa 2021 — Manila Water

INIHAYAG ng opisyal ng Manila Water na hindi sila magpapatupad ng water hike sa taon 2021.

Ayon kay Jeric Sevilla, Information Officer ng Manila Water, nagdesisyon sila na ipagpaliban ang dagdag-singil upang makatulong na maibsan ang paghihirap na nararanasan ng publiko dahil sa pandemya.

Aniya, ang P2 ipatutupad sana nilang dagdag-singil sa susunod na taon ay hindi na matutuloy.

“With this decision, we continue to put our customers first as we heed the government’s call to help mitigate the impact of the disruption of economic activity on most Filipinos. We believe that, by working together as one nation, we will continue to rise above all challenges we are currently confronting and may still be facing in the future,” batay sa statement.

Nabatid na una nang inaprobahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang kanilang petisyon na dagdag-singil para sa consumer price index.

Ang mga lugar na nasa Eastern portion ng Metro Manila tulad ng Mandaluyong City, San Juan City, Pasig City, Marikina City at Rizal Province ang mga siniserbisyohan ng Manila Water.

Kahapon, unang inianunsiyo ng Maynilad ang pagpapaliban ng rate hike sa susunod na taon.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …